Monday, November 29, 2010

Sinong tumakbo?? hindi ako duwag ha!!!

Minsan sa bawat kanto, ordinaryong eksena na ang may tumatakbo.

May tumatakbo upang humabol ng jeep, may humahabol ng bus, humahabol ng tricycle, humahabol ng snatcher, humahabol ng artista. Pero ang lahat sa kanila humahabol sa kanya kanya nilang pangarap.

Iba iba man ang uri ng kanilang pagtakbo, iba-iba man ang paraan ng kanilang pagtakbo, nakakasama man ang kanilang pag-takbo, kahit tumatakbo sila sa mabuting paraan. Lahat sila ay may pagkakaparehas.

Ang iba ay tumatakbo upang habulin ang BUS dahil malelate sila sa kanilang trabaho, Ok lang yan kase pangarap nila na magkaroon ng perfect attendance. Ang iba ay tumatakbo upang magnakaw, Ok yan para sa kanya dahil pangarap nyang mabuhay para sa araw na iyon. Ang iba ay tumatakbo upang habulin ang tumatakbong snatcher, Ayus yan kase pangarap nya na makahuli ng kriminal - pulis kasi sya. Ang ibang tumatakbo ay para habulin ang artista, medyo acceptable naman yan... hindi kase masama mangarap mag-asawa ng artista. Marami din sa atin ang tumatakbo... sa kanya kanyang utang.....

Naalala ko bigla, pati pulitiko pala ay tumatakbo. tumatakbo sila para mabigyan pagkakataon na baguhin ang ating bayan. tumatakbo sila upang baguhin ang paniniwala ng kababayan. tumatakbo para magkaroon ng mas maraming pera. pero kahit na sila ay tumatakbo... hindi pa rin nila maiiwasan na "magpalakad".... napaka ironic nun na kailangan pa nilang magpalakad para makatakbo lang.

Ikaw? para kanino ka tumatakbo?
Bakit ka tumatakbo?
Ano ang pangarap na pilit mong hinahabol?
Kailan ka hihingalin sa kakahabol sa pangarap mong gusto maabot?
Sasabihin mo ba na suko ka na at ititigil mo na ang pagtakbo?

yan ang mga tanong ko.... ito ay tungkol sa buhay na punong puno ng pagtakbo.... hindi mahalag kung maaga kang matapos... kung ikaw ang pinaka mabilis matapos.... ang mahalaga ay kung paano mo tinapos ang iyong pagtakbo...at hindi ka sumuko para matapos ito...


OK ETO TALAGA ANG KWENTO NG PAGTAKBO KO:

hahahaha

sumali ako sa KaRunungan .... ito ay isang fun run.... napakahalaga nitong fun run na ito para sa akin dahil literal na gusto kong tumakbo at habuling ang mga karunungan na pilit lumalayo sa akin.

11/28/2010 - 5 am, pumunta ako sa office namin para maghanda para sa pagtakbo...guess what, atat ako kaya 1 am palang sa office na ko natulog. per ayun nga. kung ang mga beterano na sa pagtakbo ay isang linggong nagpapakondisyon sa pagtakbo, ako ay walang paghahanda!! hahahaha.
Ang tanging sandata ko ay ang aking determinasyon na hindi mahuli sa pagtakbo, sapatos na hiniram ko sa tatay ko nung gabi, bonnet na proteksyon sa pagkapanot, body weights, isang masikip na singlet at mas masikip na under shirt para maitago ang katabaan.

Kasama ko ang aking mga katrabaho, pumunta na kami sa venue at humarap sa stage para sa warm up.
sobrang tindi ng warm up dahil kay rachel lobanco na literal na nagpainit sa kanyang fire dance. at sobrang ganda ng kanyang background music!!! grabe mga tipo ko ng music ay ang parang ancient ceremonial sound + house music!! hanggang excercise ganyan ang tunog!.....


Alam nyo naman kung ano ang tapilok ano? hulaan nyo kung saan ako natapilok.....
hindi ako natapilok sa pagtakbo.
hindi din sa pagtawid sa kalsada.
at lalong hindi sa pagtalon ng 7 ft sa overpass.
natapilok ako sa warm-up excercise.... ang masaklap dun eh natapilok ako hindi sa gumagalaw na excercise... natapilok ako sa stretching.

well, the show must go on...  sinimulan na ang takbo... tumakbo kami from meralco(ortigas) then papunta sa fly over sa tabi ng metrowalk.... grabe... dahil may babae sa harapan ko, hindi ko nararamdaman ang pagod. nasabayan ko naman sya kahit paakyat at pababa dun sa overpass, take note na sobrang bilis nya tumakbo. at nabigla ang katawan ko... kaya bumagal na ko all the way papuntang st. paul. then pababa ang daan dun, katulad ng daanan sa Mt. Akina..... kung sasakyan nga ako pwede na ko mag-drift dun eh... kaso tao ako eh!! tulad ng sasakyan tumitirik din ako pag paakyat na!! tila 50 degress na inclination yun... at sobrang apektado ang takbo ko..... then bandang huli... nakaabot din sa finish line after:

20 cheers from random na magagandang chick sa roadside
22 shots from random photographers
4 na pocari sweat at 2 basong tubig na sponsored nila
5 instance ng mmda na pinapahinto ang mga sasakyan
6 na katrabaho ko na nilampasan ko
ilang hundred na magagandang chick na hinahabol ko, hinahabol ako, at sinasabayan ko.
5km na takbo

natapos ang karera at hindi ko alam kung pang ilang hundred(or thousands) ang place ko.

Fun run ito para sa kalikasan at sa pag-aaral ng ilang kabataan.

Ito ay nakakatulong sa kalikasan dahil sa mga sumusunod:
maraming naglalabas ng carbon dioxide - nakakatulong sa mga puno
nababawasan nito ang matataba sa mundo
naeencourage ang mga tao na maglakad papasok sa trabaho
nakakarelax sa katawan ang sexyng katawan na makikita mo... lalo na kay rachel lobanco

Eto naman ang negative side:
may mga natatapon na tubig sa daanan
may natatapon na basura sa daan
may usok ang fire dance(masama sa OZONE)

Wednesday, November 24, 2010

Sino ka Pre? ... TOL HINDI AKO KaPRE!!!

~Let the Typo Hunt Begin~
~Gawin mo na ring sport ang paghahanap sa mga typo ko~
~hindi rin po masamang magcomment sa blog na ito~

Mark Aurelio Beloy ang pangalan ko.. eto na ang aking nakagisnang pangalan simula nun ako ay bata pa... at kagaya nyo, makailang beses ko na rin sinubukang palitan ang pangalan ko. At sa dami ng beses ko na binalak palitan ang pangalaan ko, ganun din kadaming beses na sinubukang baguhin ng pangalan ko ang aking pagkatao.


Sa palagay ko, lahat naman yata ng tao na dumaan sa pagkabata ay natutong magsulat... at ang unang salita na kanyang kayang isulat ay ang kanyang pangalan. Hindi pangalan ngpresidente ng pilipinas, hindi pangalan mga tauhan sa florante at laura, at lalong hindi currency ng bansa. Mayroong mabilis matuto kung paano magsulat, mayroon din namang mabagal matuto, sinasabi nila na dito mo makikita kung sino ang henyo  at kung sino ang mabilis matuto... MALI. 

Dumedepende pa rin ito sa iksi o haba ng sumpa na ipinataw sa iyo ng mga magulang mo, depende kung gaano karaming letra, salita, at kung gaano ka komplikado ang pangalan mo nung bininyagan ka.
Naalala ko pa nga nung bata ako kung gaano ako naiinggit sa akin mga kalaro na sa mura edad pa lamang ay halos na master na ang pagsulat sa kanyang pangalan. Patayo, pahiga, kahit nakapikit kayang kaya nyang isulat ang pangalan nya, samantalang ako ay nagpapakahirap isulat ang aking pangalan at gustohin ko mang makagawa ng paraan ay hirap din ako dahil hindi ko pa kaya itong bigkasin ng maayos. Lingid sa kaalaman ko na ang pangalan pala binalak kong ipagpalit sa kalaro ko upang maipagyabang na kaya ko nang isulat ang pangalan ko sa buong klase ay napakaimportante pala, ito pala ang salitang magbibigay sakin ng pagkakakilanlan, ito pala ay may kaakibat na responsibilidad, ito pala ay may mabigat na mundong ipapasan. Salamat nalang kay TIM LEE at hindi nagawang ipagkalulo ang dangal na nilagay ni marcus aurelius sa kanyang pangalan nun siya ay nabubuhay pa. 

Salamat nalang at hindi ko natutunang balewalain ang pangalan na magbibigay sa akin ng maraming kaibigan dahil meron kaming something in common, pero may individuality pa rin dahil sa second name na aurelio. 

Naitanong ko rin sa sarili ko kung bakit ako may second name? Samantalang mapayapa ang buhay ng kaklase ko at masaya sya sa pangalan nya na ERIC? Wala syang second name pero astig pa din ang tunog ng pangalan nya... may bigat.. may authority... tunog boksingero. Tandang tanda ko pa noon ang automatic na yearly contest ng pagandahan ng name plate twing first day of class. Kung tutuusin kayang kaya nyang talunin ang parol making contest sa sobrang dami ng disensyo nito, hugis, kulay at laki. Syempre hindi papatalo ang aking name plate na halos 3 inches by 8 ang size! Pinuno pa ito ng makulay na art paper at kinoveran ng plastic cover, at sa taas nito ay may pirasong ng matingkad na yarn upang maging  sabitan sa leeg. Ako ang bida sa pagkakataong iyon dahil talo ko sila sa haba ng pangalan ko. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan noon tulad ng isang artista, at katulad ng isang artista nakilala nila ako dahil sa porma ko na nung panahon na yun ay mabigat na ang epekto ng name plate. Ngunit tulad ng isang artista din hindi nila ako nakilala sa tunay kong pangalan.... nakilala nila ako sa mukha at binigyan nila ako ng screen name dahil sa hindi nila kayang bigkasin ang buong pangalan ko.

Katanggap tanggap na tawaging biik ang isang bata dahil maliit sya... ngunit hindi ko mahanapan ng hustisya ang pagtawag sa akin na BABOY – beloy baboy.


Wala naman namamatay na bata dahil lamang tinukso sya sa kanyang pangalan, kaya nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo, pag-ikot ng relos at ang pag-ikot ng akin paningin sa makulay na papel habang umiikot ito sa ceiling fan ng aming silid aralan. Totoo ngang walang namamatay na bata dahil sa mahaba nyang pangalan sa eskwelahan, pero nabali ang paniniwala ko nung unang beses kaming pinasagot ng pagsusulit. Halos isumpa ko na ang pangalan ko habang isinusulat ko ito sa kada asul at pulang linya ng aking papel. Sumakit ang aking kamay sa pagsulat ko ngunit hindi pa ko namatay, pakiramdam ko ako ang nagwagi sa labanan namin ng aking unang page ng notebook. Mali ang akala ko... humingi ng rematch ang notebook sa panibagong page at sa pagkakataong iyon, ako naman ang bumagsak. 1....2.....3.....4....5... binibilangan na ako tulad ng isang boksingero na na knockdown kahit nakatayo ako sa bilang na 8, walang referee na nagtanong sa akin kung ok pa ko.... hindi ito boksing.... ang sumunod sa bilang na sampu ay isang malakas na “PASSYOUR PAPERS”.  Hindi ko natapos ang mga dapat kong sagutin na exam ngunit ngayon ko lang na naalala na eto pala ang isa sa pinaka busilak na pagkakataon na makakapgexam ang isang tao.... dito walang kopyahan, wlang dayaan, lahat ay nakadepende sa sarili mong pagsisikap at determinasyon..... ang tanging swerte mo lamang ay kung ang mga maglang mo ay iniisip ang kapakanan mo at ipapangalan sa iyo ay BOY CRUZ.

Ang pangalan palang iyon na pinaghihirapan ko dati ay hindi ko dapat pagsawaan. Dahil magkikita kita  pa din kami nyan sa dadating na panahon. Nagsimula sa papel at lapis na mataba... hanggang sa papel na may ballpen na nagtatae... hanggang sa microsoft word na naglalagay ng kulay pulang zigzag line sa pangalan ko, TIGNAN MO OH!!!!! . kung tutuusin ay hindi pala natin dapat babuyin ang pangalan natin tulad ng ginagawa ng mga modernong kulto na tinatawag nilang JEJEMON. Tulad mo sa gobyerno... ikaw ay may responsibilidad na dapat gampanan sa iyong pangalan, hindi naman hahayaan ni LAPULAPU na ipangalan mo sa anak mo ang pangalan nya at gawin itong 1@pu1@pu makalipas ang ilang century. Hindi din naman ipapangalan ni nefertifi sa isang paslit ang kanyang pangalan kung papasok ito bilang isang baranggay kagawad na magpapapatay ng maraming tao. Mapalad ka kung ikaw ay pinangalanan na manny ng iyong mga magulang dahil automatic sa panahon ngayon na kaduktong lagi ang pacquiao kapag ikaw ay nagpakilala...oha.. edi may literal na punch line ka kaagad pero kaakibat ng kapangyarihan at authority ng pangalan na binigay sa iyo ay dapat mo itong tumbasan ng pag-iingat. Hindi mo naman siguro gugustuhin na makikita mo na may police record ka na may 10 lalake kang nirape kapag nagfafile ka na ng iyong NBI clearance under the name of CARL NOVALICHES, at tatlo kayong CARL NOVALICHES na apektado dahil sa kagagawan ng isa sa tatlo mong kapangalan. Maswerte ka din kung unique ang pangalan mo tulad ng LEIGHAWN.... pinapatunayan lang nito na gusto ng iyong mga magulang na ikaw ang gumawa ng ikararangal ng iyong pangalan upang manahin ng ibang gagaya ng pangalan mo.... mas mabigat ang responsibilidada nito... kaysa kung ang ipinangalan ng nanay mo sa iyo ay ang natural na spelling ng LEON!
Madalas ko din maisip na dapat ang tanging tanong na sasagutin ng iyong pangalan ay ang tanong na sino ka? ... ngunit sa aking pag-tanda nalaman ko na marami pala ang katanungan na kayang sagutin ng pangalan mo.  Kung ikaw ay magpapakilala sa ibang tao, maaring nasasagot mo ang silent question sa isipan nila: SINO BA ANG MAGULANG MO? Ako po si Jinggoy Estrada... oha... diba effective... alam mo agad na ang tatay nya ay si super mario. EXAMPLE PA NG SILENT QUESTIONS? Sige marami akong example:
GAANO KA BA KAYAMAN?? Ako po si BILL GATES ...uuu yeah! Malamang alam na natin na siya ay isang taong grasa na ang pinapampunas ng kanyang sipon ay 100 dollar bill. GAANO KA BA KABILIS TUMAKBO? Ako po si ELMA MUROS... ayun oh.. alam na... sing bilis mo ang pagong na nakasakay sa sasakyan ni BINAY! More questions please!! 


ANO NA BA ANG NAGAWA MO? Ako po si TIA TANAKA... dahil sa sagot mo na yan... alam na namin agad kung ano ano na ang nagawa mo... kung ano ang mga trabahong PINASOK mo na... at kung ano ang IBA’T IBANG POSISYON mo sa trabaho. AMY EQUATION BA SA PANGALAN MO? Ako po si ALBERT EINSTEIN..... kaboom... bago mo pa matapos sabihin ang pangalan mo ay automatic na umiikot sa isipan ng mga taong nakapalibot sa iyo ang E=MC2, posible din na nabigkas na nila yan. Sabihin nyo nang gago ako pero totoo yan! Hindi lang isang tanong ang sinasagot ng isang simpleng pangalan hindi ito limitado sa tanong na SINO.
Minsan may maeencounter ka din na mga pangalan na parang automatic na kagalang galang... kahit hindi kagalang galang ang ginagawa... ISAAC NEWTON, ALBERT EINSTEIN, TEODORE ilan lang yan sa mga respetadong pangalan, pero subukan mo itong gamitin sa isang coffee shop sa ortigas... sa  STARBUCKS(kahit nga yung pangalan na starbucks ay tunog mayaman na din eh) ikumpara mo... gamitin mo ang pangalang TEODORE ROOSEVELT habang umoorder ka. Maaaring tawagin ka nila at sabihing 1 caffe latte for MR.TEODORE ROOSEVELT, nice! Diba ang astig agad ng tingin sa iyo ng mga tao sa kapihang iyan? .... eto pa subukan mo yung pangalan na SWARLEY... tatawagin nila na 1 caffe latte for SWARLEY.... walang MR. Sa harapan, kase pakiramdam nila na ang pangalan mo ay pang-gaguhan.. sinubukan ko pa ng ilang beses, EVERYONE, EVER, NOGRAPHY... sinubukan ko ang mga pangalan yan upang magkaroon ng isang matindin mapagtatawanan... hinihintay ko na sabihin nila na 1 caffe latte forEVERYONE, forEVER, forNOGRAPHY ngunit ako ay bigo.... batid nila na handa na akong gaguhin sila pabalik kaya binigyan nila ng hustisya at dangal si Mr. EVERYONE Mr. EVER at Mr. Nograhphy. 


Ang laki pala talaga ng impact ng pangalan sa pagiging professional ng isang tao. Naalala ko tuloy ang pangalang BATTMAN SUPARMANN ... hindi ako pinatulog dati nun at iniisip ko kung paano sya nakatagal sa trabaho,eskwelahan at tambayan nya dahil sa kalokohan na pilit pinauso ng kanyang ama.

Speaking of credibility naman, may factor din ang nickname ng isang tao sa credibility nya. .. USO  NA KASI ITO SA PULITIKA, kahit sa boxing. Alam nyo ba na nickname dati ni pacquiao ay “the destroyer”? napakataas ng credibility nya ... dahil pinanindigan nya na sya ang destroyer dahil sa dami ng kanyang win by KO... pero sa tingin nyo iboboto nyo ba sya kung yun pa rin ang nickname nya habang kumakandidato sya sa congress? Bakit?? Ayaw nyo nun? 

Eto ang slogan nya:

IBOTO NYO KO! PAGKATIWALAAN NYO KO! IPAGKATIWALA NYO ANG KINABUKASAN NYO SA DESTROYER NG CONGRESSO, LAHAT TAYO AASENSO. 
O ano masaya na ba kayo sa mga nickname nyo? Wala pa yan! May nakita nga akong kumakandidato na “TITI”ang nickname nya para konsehal... ipagkakatiwala mo ba ang boto mo sa isang tao dahil productive daw sya tulad ng kanyang reproductive system? KAMOTE for PNP chairman!! – eto ang iboboto ko dahil ILALABAS NYA LAHAT NG BAHO ng pulisya... pero mahirap seryosohin kase kamote eh... o ano? Sige mamili na kayo ng nickname nyo!!

Hindi pa ko tapos!!

Kung ang katawan ng tao ay may dekorasyon meron ding mga dekorasyon ang mga pangalan.... pwede kang mamili sa mga PHD,IE,COE,MCP,HON.,GEN. At iba pa... pwede kang mamili.. murang mura lang.. pero kaluluwa mo ang ipapambayad mo... maatim mo ba na tawagin kang MD kung balahura ka manggamot? GENERAL ka ba kung marami kang battle scars at experience sa kakatakbo palayo sa battlezone? Maatim mo ba na gamitin ang salitang ENGR. Sa harapan ng pangalan mo kung ang ginagawa mo lang para sa mundo ay magbenta ng gamot na pampapayat at pampaputi sa mga utoutong sumasagot sa telepono? 

Akalain mo... halos 22 years ko na palang iniingatan ang pangalan ko.... nung prep muntik na akong mawalan ng mga exam dahil isinulat ko ang astig na apelido sa envelope ko... “DAGONG” hindi ko makakalimutan na kisig na kisig ako sa apelido na dagong  dahil kasing tunog ito ng dugong, pero ayaw ko na nyan ngayon dahil binaboy nila itsura nito. Nung elementary ako hinahayaan ko lang na Beloy ang itawag sakin dahil yun ang madaling bigkasin pero nung sinubukang tumawag nung kaklase ko sa amin at hinanap nya si BELOY... hindi nya masabi kung sino dun.... nagmukha syang tanga at hindi na tumawag ulit.nung highschool BELOY na ang tawag sa akin.... kaso gumagana ang karma.... madalas akong mabitag sa mga naguusap dahil akala ko tinatawag nila ako... (ELOIS)ELOY pala... at nabansagan akong isang sawsaw... kahit nung college tinamad ako... MARK BELOY ANG GAMIT KONG PANAGALAN... yun din ang piniprint sa mga transcript ko... nabinggo ako minsan dahil ang ID ko ay MARK AURELIO BELOY ... iba ito sa MARK BELOY kaya pinabago ko na... yun dapat ang ilalagay sa diploma kaso iba ang lumabas... MARK AURELI M. BELOY... isang letra lang... pero malaki ang kaibahan... kung sa mathematical equation nga yan eh siguradong zero ka na... pano pa sa totoong buhay.... at doon ko pinairal ang aking karapatan at ang aking misyon na pangalagaan ang pangalang binigay sa akin ng magulang ko. Gumgraduate ako as MARK AURELIO BELOY at nagkaroon ng trabaho.... 


pero after almost 3 years, nabago ang pangalan ko....anak ng... kabisado ko ang panglan ng costume ko pati series... “EXECUTIONER” sya yung character ko pero iba ang naging pangalan ko na na-ispam pa sa buong company. Pero na realize ko.... ibang kaso na kapag may ibang pangalan na madadamay.... may sariling dangal ang kanyang pangalan na hindi ko nararapat sirain. Pera lang yan... sinabi naman sakin na may premyo ako at yung maling pangalan. Binalak ko na itaas ang humampas sa lupa kong pride.... pero hindi ko na itinuloy... naisip ko na lahat ng tao ay nagkakamali..... lahat ng tao ay pwedeng magsorry at icorrect ang kanilang mali... kinakailangan ng tapang ng loob upang sabihin na sila ay nagkamali.... lalo na kung buong company ang aaminan mo na ikaw ay nagkamali. 

Ayokong bigyan ng pagkakataon na sabihing malakas sila dahil tinaggap nila ang pagkakamali at ituwid ang bumaluktot. 

Hindi hihinto ang mundo upang magbigay konsiderasyon sa isang taong natapakan. Sa bandang huli kahit sabihin nyang masakit ang pagka-apak sa kanya, kahit may tumulong man sa kanya o wala... iikot pa rin ang mundo at walang magbabago... pwera nalang sa sarili mong naramdaman na hindi importante sa pagikot ng higanteng mundo.





*ps - kung credibility lang ang paguusapan , talagang naniniwala ako kay TADO kaysa kay vice ganda dahil inaamin nya sa pangalan nya na siya ay TADO samantalang ang pangalang vice ganda naman ay masyadong misleading.

Friday, November 12, 2010

Ang Vandalism ba ay isang art?




Dito Nagsimula ang lahat.... Isang taong tamad... pumasok sa opisina... walang ginagawa kaya nag-isip ng gagawin... at nakapag drawing sya... gamit ang MS-Paint 

Ngunit sa buhay natin ay laging may 'turning point' ....
hindi sa lahat ng oras kailangan masaya ang drawing...





Ganun talaga ang buhay.... kahit madalas kang magpatawa, wala paring nakaka-alam ng tunay na kwento ng buhay mo... at kung tatanungin ka nila kung anong problema, paganahin mo lang ang pagiging sinungaling mo...
naku, kung ang mga balakid sa buhay ay parang kalaban sa video game lang, matagal ko na sana silang ginamitan ng special moves ko:

well pero at least kaya ko namang gawing totoo ang mga characters na hindi nabibigyang pagkakataon na maging bida sa palabas sa TV.... at sila naman ang bida sa Halloween... salamat sa aking pinagtatrabahuhan at natutupad ko ang trip kong to...






Salamat din sa kanila at nakabili na ako ng Digital Pen Tablet ko.... kaya kung may maisip akong kalokohan.. idodrawing ko nalang kaagad....

at ayun.. tuloy ang kwento.... yung lalake ay nagpapalam na kaso sa katangahan nya ay nalaglag sya sa manhole bago pa nya sabihin ang kanyang nararamdaman....



at inakala nila na bigla nalang syang umalis...... at pinilit nyang sabihin ang kanyang nararamdaman ngunit iba na ang napagsabihan nya nito....



ano nga kaya ang magyayari sa kwentong ito? malalaman din kaya natin kung kaninong kagagawan ang pagkahulog nya sa manhole?.... abangan....


ang masasabi ko: ang vandalism ay isang art... tulad ng ito ng pag-ibig ..... may nagpapakatanga para sa pag-ibig, may namamatay para sa pag-ibig.. ngunit pag-ibig pa rin ito kahit paaano mo pa ito pinapalakita o isinasagawa.

Payong Kaibigan? O Payong talaga na nawawala?

Minsan ba ay tinatamad kayo magdala ng payong dahil pakiramdam nyo ay hindi uulan?
well.. madalas mangyari sakin yun!
Kahit maaraw o maulan... parehas din! tamad talaga akong magdala ng payong...

Bakit nga ba tayo kailangan magdala ng payong?
Ano ba ang gamit ng payong sa buhay natin?
Magaling ka bang mag bigay ng payo?

Wala akong masasagot sa mga tanong na iyan... pero meron akong isheshare na kwento sa inyo..

nagsimula ang kwento ko pagkatapos ng trabaho... bahala na kayo kung maniniwala kayo na may trabaho ako.. magkakasama kami ng aking mga ktrabaho na itatago natin sa pangalang JEFF at MERCK.... idamay na rin natin ang boss ko na itatago natin sa pangalang RICHARD.

pauwi na kami at naiwan ko ang payong ko sa table ko.... masasabi kong tanga ako dahil nasa harapan ko na ito at nakalimutan ko pang kunin...
kaya binalikan ko ito sa office at nagpaalam na sa boss ko....
at dahil mga tunay na kaibigan sila merck at jeff, hinintay nila ako...
at naglakad na kami papuntang medical city.

At biglang bumuhos ang ulan.... hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa Inter Tropical Convergence Zone at bigla nyang pinadala ang ulan sa aming lokasyon.... haayy.. buti nalang dala ko ang payong ko... dala din ni jeff ang sa kanya... si merck ay walang dalang payong.... at bilang payong kaibigan, pinasukob namin sya... ngunit nababagalan sya sa aming paglalakad... kaya nanakbo na sya papuntang papuntang mercury drug... at dahil naiwan kaming dalawa ni jeff upang magmasid sa pagtakbo nya, eto ang naging usapan namin:

Ako: Ano ang una mong gagawin pag nadapa si merck habang tumatakbo.
JEFF: hahahahahahha... (siguro parehas kami ng iniisip)
Ako: Ako tatawa muna ng malakas bago ko sya tulungan...
* Dito mo malalaman kung sino ang tunay mong kaibigan: tatawanan ka muna ng tunay na kaibigan bago ka tulungan, otherwise naaawa lang sila sayo*

At dumating na kami sa mercury drug, nilagay namin ang mga payong namin sa basket..... namili ng bibilihin at bumalik na kami ni merck sa may entrance para kunin ang payong.... at napansin namin na wala pa si jeff kaya nilapag ulit namin ang payong . So after dalawang one liner na joke at ilang korny na joke... dumating na si jeff. And guess what!! wala na ang payong ko!!! ang natitira nalang ay isang bulaklakin at low quality na payong .. tsk tsk....

ang mga sumunod na nagyari ay hindi na namin inaasahan...

*sa labas ng mercury drug*

Ako: langya pinagpalit yung payong ko!!!!
Merck: Hanapin mo .. baka nanjan pa yung kumuha
Ako: +nakakita ng babaeng may hawak ng payong+
Merck: puntahan mo na!! itanong mo kung yan yung payong mo..

*at ako ay lumapit, kakalabitin ko sana yung babae habang tinatawag ko sya na 'miss! ' miss!' pero bigla syang lumingon. Iniwas nya ang bag nya na parang ako ay isang Kriminal!! at tinanong ko sya... miss pumasok ka ba sa mercury drug kanina? pakiramdam ko kasi nagkapalit tayo ng payong eh.... itinaggi nya agad na akin ang payong na yun kahit na nagsasalita pa ko



.... basta alam ko na pumasok sya kanina sa mercury drug.
Lumayo na ako sa lugar ng krimen..... Basang basa, pahiya, galit at galit na galit...

sumakay kami ni merck sa taxi upang itaas ko ang pride ko na gumuho nung napagbintangan akong isang magnanakaw...

Kung may importanteng bagay ako na natutunan sa gabi na iyon.... eto ang mga yun:

1. WAG MAGDALA NG PAYONG!! - ikamamatay mo ang payong sa lahat ng pagkakataon, maari itong maging conductor ng electricity(maaari kang mamatay sa kidlat) at pwede kang matusok nito kapag nadapa ka.
2. Ang tunay na kaibigan ay dapat tumawa muna bago pagaanin ang loob mo - ganyan ang nangyari nun... tinawanan muna ako nila merck bago umuwi.
3. Wag mangalabit ng babae (kahit panget sya) kapag madaling araw at umuualan - kahit pangit pa ang babae na yun... basta kinalabit mo habang umuulan, siguradong matatakot sayo.
4. Mas Gagong Mag-isip ang mga taong hindi mo kilala- kung gago kang mag-isip... isipin mo na may mas gago pa sayo lagi...

LECHE!!

Ordinary O Airconditioned?

Ordinary O Airconditioned? eto ang kadalasang tanong natin dahil sa dami ng bus na makikita natin kung tayo ay nakatayo sa kanto ng tandang sora.
 marahil ang iba sa atin ay walang pake kung ano ang sakyan na bus, minsan naman yung ibang pasahero ay natatandaan kung ano ang pagkakaiba ng mga bus na sinasakyan nila. Ako, Personally mas napapansin ko ang presyo ng binabayad ko sa bawat sakay ko, kung worth it ba ang binabayad ko araw araw.


Ano ba ang batayan paramalaman mo na worth it ang binabayad mo na pamasahe? eto ang opinyon ko:


1. Syempre dapat nakaupo ka- kahit malayo ang byahe basta nakaupo ka sulit ang binayad mo.
2. Kung makakaranas ka ng thrill sa bawat sakay mo - tulad ng maipit sa traffic habang nanonood ng TATLONG BARAHA, humataw sa bilis na 250 km/hr sa edsa, mabasa ng ulan at mangamoy isda... kapag naranasan mo yan sa byahe mo.. ibigsabihin lang nun panalo ka!
3. Vandalism - nakadepende sa dami ng vandalism na makikita mo sa upuan ng bus kung sulit ang binayad mo.. kagaya nito: 


at kung ano ano pang cell number na nakasulat sa mga upuan ng bus.

4. Ticket - mas maraming ticket... mas panalo!



Pero seriously... may nakita akong malaking pagkakaiba nung sumakay ako ng ordinary na bus nung tuesday.(kadalasan kasi tulog ako sa aircon na byahe).
Hindi lang sa bayad, stasyon ng radyo/ tv  at dami ng vandalism sa upuan nagkakaiba ang dalawang klase ng bus. ang nagpapaiba dito ay ang uri ng mga tao na makakasalamuha mo at ang mga values na matututunan mo..


Eto ang aking comparison;

1. Mas mayayaman ang mga tao na sumasakay sa Airconditioned na bus:
ang mga taong sumasakay dito ay kadalasang mga alipin ng sarili nilang mundo,
 * hinaharangan ng EARPHONES ang kanilang pandinig sa mga kapwa nilang nanghihingi ng tulong.


* ang kanilang mga kamay ay mistulang bilanggo ng Mamahalin nilang cellphone.. ang mga kamay na napipigilan upang akayin ang mga nakatatandang hirap sa paglalakad sa loob ng bus na may malamig na hangin.


* ang kanilang mga pwet ay mistulang Nakadikit sa upuan ng bus.... at mas pinabigat pa ito ng kanilang timbang na pinatindi ng mamahaling quarter pounder na kinakain nila.  Ang mga katawan na nakagapos para hindi tumayo kapag may matandang nangangailangan ng mauupuan.


* Mga matang mistulang Bulag sa oakley na shades, mga matang automatic na umiiwas makita ang batang may kapansanan na kalong kalong ng kanyang magulang.


* Mga pang unawa na mistulang naglalakbay sa Mundo ng programa sa TV, Laro sa PSP at kung ano ano pa.....  ang mga pang-unawa na maging pasensyoso sa mga taong hirap magkad pababa ng bus.


NGAYON sabihin natin kung sino ang tunay na mayayaman!!

isang araw lang yan... nakita  ko ang malaking pagkakaiba ng mga taong nakasabay ko sa dalawang URI ng bus.

Sa pagsakay ko sa ordinaryong bus na may dalawang pintuan, ay nagising ang aking diwa na marami pa palang natitirang kabutihan sa mga pilipino.

mula sa pagsakay ko sa bus ay nakita ko ang mga batang inaakay paakyat sa bus ng mabait na konduktor. sa paglalakbay namin ay sumakay ang isang matabang ale na may dala dalang mabigat na bayong at ito ay tinulungan ng isang pasahero upang iangat sa tabi ng kanyang upuan. puno na ang bus at may isang matanda na nakatayo sa gitna ng bus kasama ng iba pang pasahero... isang binata ang tumayo at nag-alok ng kanyang upuan. at dito ko rin nabatid na may isang mabuting tao na ibinigay ang maginhawang pwesto sa upuan para makaupo ang isang ama na kandong kandong ang anak nyang may kapansanan.


- nakakatuwang isipin talaga na hindi pa pala nawawala sa mga tao ngayon ang pagiging mabuti sa kapwa.


Sana sa susunod kong pagsakay sa bus na airconditioned kapag ako ay matanda na ay wala na ang mga IPOD,TV,CELLPHONE,SHADES na pipigil sa kabutihan ng mga kapwa ko upang tumulong.





Thursday, November 4, 2010

Anong Cross Road? Crossword lang alam ko eh...

Cross Word ... eto ang isa sa pinaka paboritong libangan ng mga tambay sa kanto... bukod sa paglalaro ng billiards at karakrus, nilalaro daw nila ang cross word dahil nakakataas ito ng moral at nagmumukha sila mas matalino sa kapwa nila tambay. - walang kinalaman ang cross word sa kwento ko ngayon-

Ang tunay na kwento ko ngayon ay tungkol sa CROSSROAD na minsan ay nadadaanan natin sa buhay. yung mga pagkakataon na kailangan mong magdesisyon kung gagawin mo ang isang bagay at hindi ang isa. kung kakaliwa ka ba o kakanan. tatayo o uupo.

Ang buhay ay katulad din ng Mga kantong madadaanan mo sa kanto ng tandang sora, hindi mo maiiwasan ang mga sanga-sanga nitong daanan, upang makapunta ka sa isa sa mga destinasyon mo.
Eto ang Example ko:

Ikaw ay isang masayang binata na madalas matulog sa Bus na bumabyahe papuntang ortigas.... at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay lagi mong nasasakyan ang ES transport. At sa hindi rin maipaliwanag na kadahilanan ay napakadami ng tao at bus ngayon sa EDSA at ikaw ay napaisip:

1. siguro totoo yung sinasabi ng mmda na napakarami nang bus sa pilipinas ngayon.
2. siguro marami na ang may kotse ngayon kaya lintek ang trapik.
3. kasalanan ng gobyerno kung bakit malelate ako ngayon araw.
4. Siguro malelate ako dahil sa global warming.
5. kasama ba ang matinding trapik sa senyales ng end of the world?
6. ano ba ang kasalanan ko sa mundo at bakit ako na stuck sa trapik habang pinapalabas ang "tatlong baraha".

At ayun... pagtapos ng mahabang panahon sa trapik, tsaka mo mapapansin na 7:30 na sa orasan ng bus. Pero hindi ka maniniwala dahil iniisip mo na advanced lang ang relos nila. Patuloy kang naglakad papunta sa footbridge ng ortigas at dito mo makikita ng isa sa mga CROSS ROADS ng buhay mo:


eto ang iyong mga pagpipilian (tandaan na 10 mins na lang at late ka na):

1. Lumiko sa Kaliwa papuntang E-life at maglakad papuntang Opisina (approx 20 mins bago makarating).
2. Lumiko sa Kanan at maghintay ng masasakyan Papuntang Opisina.

Marahil  kaparehas ito ng pagdedesisyon sa buhay; kung ikaw ay maghihintay sa isang magandang bagay na mangyari sa iyo O ikaw mismo ang gagawa ng paraan upang may magandang bagay na mangyari. ... pero dapat mo rin timbangin ang maraming bagay bago ka magdesisyon. eto ang ilan sa mga dapat iconsider:
1. trapik- hindi porket nakalampas ka na sa trapik sa edsa ay immune ka na sa trapik ng ortigas, tandaan mo na ang trapik ay isang balakid na habambuhay susubok sa katatagan mo.
2. ulan - kahit sobrang ganda ng sikat ng araw sa umaga pwede pa rin umulan at kapag ikaw ay nadulas dahil sa ulan at nadisgrasya... mas malelate ka.. at kahiyahiya pa.
3. oras - tama! ang oras ay kakampi mo sa ilang pagkakataon.. ngunit ito rin ang magmamanipula ng buhay mo dahil lagi mo itong hahabulin.
4. Kondisyon ng katawan - masama ang lagay mo pag malelate ka na at hindi pa gumagaling ang sprain mo.

Tinimbang ko ang mga pagkakataon... ngunit ako ay nagdesisyon na lumiko sa kanan at hintayin ang aking kapalaran at ilagay ang kinabukasan ko sa kamay o manibela ng driver ng jeep.... natrapik din ng ilang saglit... at naglakad pa din patawid sa meralco... naghintay tumawid kasama ang mga tanga at mahihina ang loob na pedestrian... at sa bandang huli ay nalate din ako...

ang lesson dito:
Hindi mo pwedeng sabihin na ikaw ang may hawak ng tadhana mo... hindi porket ikaw ang nagdedesisyon eh ikaw na ang masusunod... kadalasan ay ang mga tao sa paligid mo ang magiging dahilan kung paano magiging tama o mali ang tinahak mong daan...

* ang pinakamatinding crossroad sa kwentong ito ay ang pedestrian lane kanina... late ako ng 2 mins dahil dun... maihahalintulad ko sya sa real life na life-or-death situation.... kung tatawid agad ako hindi ako malelate pero maaari akong mamatay... kung maghihintay ako... buhay ako late naman!

Wednesday, November 3, 2010

Sino may pera? Sinong kailangan ng pera?

Sa panahong ito sino nga ba ang makakapagsabi na "hindi ko kailangan ng pera para mabuhay"?

tambay1: "pre may problema ako pwede mo ba akong matulungan?"
tambay2: "Kahit ano pre basta wag lang pera"
(ganito ang karaniwang naririnig natin sa usapang kanto ng tambay)

Bakit ba ganun? sabi ng lola (o, sige kahit ng mga lola nyo) hindi daw ganun kahirap ang buhay dito sa pilipinas nung araw. Ang mga tao daw nun ay nakakabili na ng isang salop na bigas sa halagang piso lang, nakakasakay na sa patok na jeep ang tatay ko sa halagang 2.50 nung panahon nya, nakakakain na ko ng bulilit burger sa halagang 2.50(at naglalakad pauwi) nung elementary ako, AT NAKAKAPAG STARBUCKS sa halagang limang piso! ... o diba kitang kita kung gaano bumaba ang halaga ng pera ngayon?

ano na ba ang mabibili mong pagkain sa piso ngayon? ... ang sagot: MARAMI!
pwede kang makabili ng lechong manok, lumpiang shanghai at vinegar pusit. sa palagay mo busog ka na nyan? malamng hindi...

Saang lugar ka dadalhin ng 2.50 mo ngayon? ... ang sagot: KAHIT SAAN MO GUSTUHIN!
pwede kang makapunta sa malawak na kalangitan, sa alapaap at kahit saang bituin mong naisin.
ang kailangan mo lang ay imagination, tyaga at kalmadong pag-iisip.

yung nga yun! HINDI MO KAILANGAN GUMASTOS sa panahon natin ngayon....
yang mga pinagkakagastusan mo ngayon na hindi mahalaga ay dapat mong isantabi... magsimulang mag-ipon.
dahil sa mga bisyo ng mga tao ngayon kaya tayo nababaon sa utang, at sa patongpatong na utang ng mamamayan sa pilipinas ay baka maging 50 pesos na ang minimum fare sa jeep at 500 ang kape sa star bucks.

Dapat nating mapansin ang pagbaba ng halaga ng pera ng pilipino kaysa pansinin ang pagtaas ng sariling sweldo. simulan nating panoorin kung paano tumaas ang naiipon natin. MAGTIPID, MAGIPON at MAGTIIS.... yan ang ginagawa ko hanggang ngayon kaya ako ay utang-free.

wala kang matututunang magandang aral sa blog ko na ito dahil unang beses ko pa lang gumawa pero eto ang quote na bagay sa entry ko na to:

"money is the root of all evil"
dahil sa pera maraming tao ang nagbabago.... marami ang napapahamak.. marami ang nagkukunwari... marami ang nabubulag.... minsan may mga tao din na umaasa sa mga elemento ng kasamaan....
tulad nito:



"pare meron ka BAM PIRA JAN? Pautang naman" - sabi ng kakilala kong bisaya...