Sa
dami ng party na napuntahan ko dito sa kantotandangsora, marami akong nakilala.
Maraming kwento.
Maraming dahilan.
Kanya kanyang palusot.
Kanya kanyang kuro
kuro. Kanya kanyang pasikat.
May
party na sosyal, party na tipid, partyng pang-inuman. At partyng para may
makilala lang.
astig diba?
Iba ibang
party para sa iba’t ibang motibo ng mga grupo na gumagawa nito. Pero sa isandaang
motibo, halos kalahati ang may masamang balak, sabi nga nila:
“basta may alak…
may balak”
E
bat ganun? Napansin ko lang, unti unti na yatang tumatanda ang mga party
ngayon, kahit yung mga party na pambata talaga. Dati ang mga party talaga ay pa
coke coke lang, videoke, asaran at kulitan.
Tignan
mo ngayon, party na hindi mawawala ang alak. Kahit na ang batang 3 yr old ang
may birthday, nakikigulo ang mga kuya at tatay sa mga guest na ate at
tagabantay ng bata.
Astig diba?
Mangilan
ngilan lang sa mga party na yan yung mga:
Traditional
na graduation party- success!! Graduate na! ng grade 6. Punyemas. Sige tapos ka
nan g grade 6, imbitahin mo yang mga barkada mo at maginom kayo, magpatakbo ka
ng motor (na niregalo sayo ng nanay mo) habang lasing at huwag mo nang ituloy
ang natitirang potential 60 years na lifespan mo. (pero ayon sa kakilala ko,
nadadagdagan dawn ang lifespan ng tao kapag nakikipagsex at nababawasan naman
ito kapag nagyoyosi..). Graduation party. Agawan ng buhay
Christmas
party – Christmas nga eh. Di ba dapat masaya? Masaya nga, pero ayon sa ilang
mga research, madalas daw dito nangyayari yung agawan/gantihan ng syota o
asawa. Ang salarin? Alak, sigarilyo, shabu at ang careless whisper na
pinapatugtog kapag newspaper dance ang laro. Agawan ng relasyon. Mabuhay ang
single pag pasko.
New
year’s party- punyemas, alam nyo na naman kung ano meron ditto eh!! Kumpleto lahat
ng element dito. Kaparehas din to ng valentines day, dahil paniniwala nila may
ibang nationality(bukod sa normal at sa chinese) pa ang nagnewnewyear sa
ganitong petsa. Sabi nga nila: “PUTUKAN NA!”. Agawan ng puri.
Political
party- sa party na to, imbitado ang lahat. Lahat pwedeng magpabida, lahat
pwedeng makinig. Astig ang mapera ditto at kung sino magdadala ng pinakasikat
na bebot ditto ay mamahalin ng masa. Mabuti man ang intension ng party na to o
masama, agawan pa din to. Agawan ng tiwala ng taong bayan.
3rd
party- sa lahat ng mga party, isa to sa pinakamasahol, pinaka sinusumpa at
pinaka maraming namatay. Ang party daw na to ay hindi kelangan ng imbitasyon
pero punyeta, requirement dito ang pagpayag sa panlalandi (depende kung sino
ang lumandi). Sa party na to, napaka unpredictable ng pangyayari, pero ang
simula, kalagitnaan at dulo nito ay siguradong may masasaktan.

Nung
bata ako agawang base lang ang uso pero kuntento na sila dun. Di pa uso
annulment at divorce nun. Mag LAN party nalang tayo o kaya maglaro tayo ng
online game. Dun tayo magparty.
Bakit
ko ba nagawa tong kwento na to? Wala lang. tangina. Gusto ko magblog ulit kahit
minsan eh. Kaso tumapat sa kwento ni Janine Tugonon(at ginoogle ko pa
kung anong meron) at ayun, whalllahhh nagkaroon ng ganito sa isipan ng daliri
ko.