Ang buhay talaga ay parang kalsada.
hindi ko sasabihing pandalawahan ito tulad ng sinabi na ng VST & company. pero para talagang kalsada ito, punong puno ng mga hindi inaasahang pangyayari, punong puno ng magagandang bagay. punong puno ng likulikong daan. punong.... OO na, punyeta... kaunti na ang puno sa kalsada! itigil na nga natin tong pag gamit ng salitang "punong-puno" at baka mapuno pa ko.
nakakalungkot isipin.. dati kapag naglalakad ang mga tao, mayroon pang mga puno na malalaki sa daanan, marami kang makikita na nakaukit na "I love *insert pangalan ng mahal + forever o kahit anong word na may kaparehas na meaning*.. kung makikita mo ito sa tanghali ay matutuwa ka dahil sa lilim na nabibigay nito. matatakot naman ang mga bata sa gabi dahil pinamamahayan daw ito ng kapre, tulad nung ginawa ko minsan para takutin sila, kaso miniature version ng kapre. yang mga punong iyan.. pwede mo silang ihalintulad sa mga ala-ala, nandoon sila sa magulong(minsan payapa) lansangan ng buhay. kada tingin mo sa kanya ay may maalala kang bagay na ginawa mo, maaring kasing korni ng pagakyat dito para makita kung saan umuuwi ang crush mo. O kasing brutal ng pag akyat dito dahil hinahabol ka ng mga asong naglalakihan nung panahon na badtrip ka sa mundo. pero kahit anong mangyari, ang mga punong nawala na sa kalsadang ito ay mahirap nang ibalik.... tulad ng alaala, mananatili lang itong ganyan....
pwera nalang kung magsisimula ka bumuo ulit ng panibagong alaala, itatanim mo ito kung saan mo magustuhan... susubaybayan mo ang pag usbong ng alaalang ito hanggang sa may iba nang tumulong sa iyo sa pag-aalaga at bandang huli ay sabay nyo na itong tititigan habang nasa ilalim ng lilim nito. at kung old school ka uukit mo ang pangalan mo dito dahil hindi ito considered na vandalism. pwede mo din i-instagram at lagyan ng mga EMO quotes tulad ng "ang mahuli, may tae sa pwet"... yung mga ganun tipo. sige lang... ipagpatuloy mo lang ang pag-gawa ng mga alaala, malay mo ikaw pa ang makapagbago ng mundo.
teka, pano napunta sa puno ang post ko? tungkol dapat to sa kalsada ah... ayun.
WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY.
yan ang lagi kong nakikita dati nung college pa ako, di ko maintindihan pero pakiramdam ko kulang ang mensahe nun. pero pauso nanaman sila ngayon. may nakaharang na sa mga paboritong lugar ko para mag jay-walk. ang nakakainis dito ay yung harang nila may tao pa na nakadrawing. nako lang... kung lahat lang sana ulit ay pwedeng tawiran, mas masaya ang magiging obserbasyon ko sa mga pilipino pedestrian.... miss na miss ko na ang mga iba't ibang estilo nila sa pagtawid, tulad netong mga to:
1. The JET - sila yung mga masya laging tumatawid ng patakbo sa kalsada. malayang nakalapad ang mga kamay habang tumatakbo... matulin, masaya, walang ibang iniisip. parang jetplane talaga ang itsura. common yan sa mga estudyante ng lower levels... "
nagmamadaling tumawid sa papunta sa katandaan... nagmamadaling maging masaya.. naglalakad ng matulin, kung madapa sabog ang nguso."
2. Cha-cha - sila naman yung mga hindi sigurado sa kanilang hakbang. walang lakas ng loob tumawid, isang hakbang paharap, dalawa paatras. kapag nakahanap ng tyempo tatakbo ng mabilis. sila ang mga taong madalas mong sigawan sa kalsada...
"walang masama sa paghihintay ng tamang pagkakataon, ang tanging kasalanan mo lang ay ang pagdudahan ang sarili mong kakayahan"
3. The Ghost - mga taong laging lutang... lutang ang pag-iisip, parang hindi na sila nag-eexist sa mundong ito. kitang kita mo ang depression nila habang naglalakad sa kalsada. sawi sa pag-ibig, nakagalitan sa bahay, bagsak sa mga subject. para silang may constant eye-to-eye contact at heart to heart talk sa enerhiya ng mundo dahil lagi silang nakayuko. samahan pa ito ng earphones na suot nila, hindi sila makikinig sa ibang tao.. hindi sila magugulat kung sila ay mababangga.
" dito sa mundong ito, hindi ko ipagkakaila na may dahilan talaga upang mamatay nalang.... pero responsibilidad mo pa din na hanapin kung ano ang rason upang patuloy mabuhay.. kahit isang rason lang sapat na yon"
4. Dare Devil - sila ay buhay! kasing buhay ng leon na bagong kawala sa kural, kasing buhay tulad ng mundong umiikot sa ating mga paa. handa nilang salubungin ang kahit anong hahadlang sa pagtawid, kahit pa maiwanan nila ang mga taong nagmamahal sa kanila na hindi na makasunod sa bilis ng takbo ng buhay nya.
"makatawid ka nga sa kabilang parte ng lansangan, may naiwanan ka pa din... naiwanan mo ang pagkakataon na makasama ang mga taong importante sayo, naiwanan mo ang pagkakataon na makasalubong ang mga taong maaaring makapag bago sayo upang mas gustuhing tumawid sa tamang landas ng buhay."
5. The Mob - ang isa sa pinaka masaya at epektibong paraan ng pagtawid. maghintay ng mga kasabay. maghawak hawak ng kamay, tumawid ng sabay sabaya, kapayapaan(2x). kung tatawid ka ng maraming kasama, hindi ka huhulihin ng pulis kung ikaw man ay mag jejay walking... madalas naming ginagawa to sa litex road dati. "
sa araw araw na pagtawid nyo ng sama sama, may mga pamilyar na mukha na... pareparehas kayo ng trip. pareparehas ng batas na gustong suwayin. iisa ang layunin." maaring sila na nga ang mga kasangga mo pang habangbuhay.
6. Gangnam style - ETO ANG USO EH!! tatawid dahil may tumatawid din... tatawid kahit mukhang tanga.. tatawid dahil may ibang tumatawa sayo habang tumatawid ka. hala sige tumawid ka na parang nangangabayo.
"wala namang batas na nagbabawal sa pagiging kakaiba eh. kapag kakaiba ka na, may dahilan ka nang tawanan sila dahil pareparehas na sila"
- marami pang ibang style sa pagtawid pero baka maumay kayo kung magkekwentuhan tayo.
pero basta, badtrip pa din ako sa mga footbridge dito dahil wala syang escalator.
Basta sinubukan ko lang ulit gumawa ng post. wala nang isip isip. basta
"ang madulas, tanga"