Throwback.
Yan ang tawag nila sa pagbabaliktanaw at pagmumuni-muni tungkol sa ating mga nakalipas.
Naalala ko tuloy yung mga panahon na pinagtatawanan nila ako dahil sabi ko balang araw magbabayad tayo para sa tubig, kahit nung mga panahon na yun ay libre ang pag-gamit at pag-inom ng tubig.
Nung umakyat ako sa bundok last week, yun ang na-experience ko. Natuwa ako dahil libre ang tubig. Lumakad lang kami ng malayo at huminto sa isang tindahan. Nagtanong kami kung may tinitinda silang tubig. Sabi ng ale; "Iho, libre ang tubig akin na ang lalagyan mo at punuin natin".
Nakakatuwang malaman na mayrron pang lugar sa mundo na libre ang tubig at hindi alam ang salitang Wi-Fi.
Nakakalungkot isipin na sa ating mundong ginagalawan ngayon, minsan mas necessity pa ang internet kaysa sa tubig.
Na mas nabubuhay ang tao tuwing sya ay nakatingin lang sa screen, kumpara sa pagtitig sa magagandang tanawin at maexperience ang mga kakaibang bagay.
Na mas natutuwa silang magpost at makakuha ng maraming likes kaysa makipag kwentuhan at palitan ng mga experience.
Na mas may dating ang pagpicture sa pagkain kaysa sa actual na pagluluto at pagkain dito.
hay. Ang modernong panahon nga naman.
Hayaan mo, sa susunod na henerasyon hindi na natin kailangan pang magbayad para magkaroon ng internet.
Kabaligtaran ang mangyayari.
Magbabayad tayo para mawala sa internet.
Hindi na tayo magbabayad para sa internet cafe.
Magbabayad tayo para sa isang lugar na imposibleng pasukin ng wi-fi o anumang interaksyon ng internet.
Sige tawa ulit.
Nakakabagabag na malamang may mga sumubok nang magbenta ng sariwang hangin at may bumili na nito.
Libre yun dati diba?
Malay mo, hindi na din libreng mangarap, ngumiti, magmahal at umutot.
Ang Buhay sa mundo ay punong puno ng paglalakbay...lahat ng tao ay may Kantong tinatambayan o dinadaanan... halina't tumambay sa KANTO Tandangsora. Sa Kantong ito, ay maraming katanungan. Halina't magtanong, Sumagot sa tanong at Matuto sa Tanong na ating haharapin sa ating buhay... "You Live, You Learn" sabi nga ni alanis morisette
Thursday, April 9, 2015
Thursday, August 15, 2013
Balikan ang tambayang kanto.
August 14. punyeta. di tayo nakanood ng linkin park.
wal eh, ganun talaga. pero etong buong linggo na to, maramirami talagang bagay na nakapagpaalala sayo. yung kumalat na hoax video tungkol sa panahon, mga MAC OS, manila ocean park at kung ano ano pang sh*t. parang nananadya sila. sabay sabay nilang minumulto ang tahimik kong buhay. pero ngayong araw na to, may nabasa ako na libro.
syempre, tulad ng ilang mga normal na libro, makakrelate ka dito. ito ay tungkol sa mga tampururot, pagpapakipot, mga taeng nagpupumilit bumalik sa pwet at damdaming laging gustong lumabas.
bandang huli, natuklasan ko na may isang bagay pa palang naghohold back sakin. dun sa lugar na lagi kong naiiwanan yung singsing namin. nakita ko to after 1 year. maalikbok, medyo may kalawang at di na maaininag ang tunay na kahulugan nito. sakto talaga.
kahit matagal na nya naiwala yung kanya, eto naiwan sa taas ng ref namin. masyado na syang matagal naghintay dun ng di ko namamalayan. dapat na syang magpahinga.

"from the ashes, you will be reborn. from the ashes as pure as white snow, will rise a strong type of metal"
tulad nung sa libro, masasabi ko na ang totoong ending talga ng lahat ng kwento ay isang matinding "to be continued". astig.
Thursday, April 18, 2013
Sa bawat lugar sa Kanto, may party... parte parte ang kanilang mga naranasan.
Sa
dami ng party na napuntahan ko dito sa kantotandangsora, marami akong nakilala.
Maraming kwento.
Maraming dahilan.
Kanya kanyang palusot.
Kanya kanyang kuro
kuro. Kanya kanyang pasikat.
May
party na sosyal, party na tipid, partyng pang-inuman. At partyng para may
makilala lang.
astig diba?
Iba ibang
party para sa iba’t ibang motibo ng mga grupo na gumagawa nito. Pero sa isandaang
motibo, halos kalahati ang may masamang balak, sabi nga nila:
“basta may alak…
may balak”
E
bat ganun? Napansin ko lang, unti unti na yatang tumatanda ang mga party
ngayon, kahit yung mga party na pambata talaga. Dati ang mga party talaga ay pa
coke coke lang, videoke, asaran at kulitan.
Tignan
mo ngayon, party na hindi mawawala ang alak. Kahit na ang batang 3 yr old ang
may birthday, nakikigulo ang mga kuya at tatay sa mga guest na ate at
tagabantay ng bata.
Astig diba?
Mangilan
ngilan lang sa mga party na yan yung mga:
Traditional
na graduation party- success!! Graduate na! ng grade 6. Punyemas. Sige tapos ka
nan g grade 6, imbitahin mo yang mga barkada mo at maginom kayo, magpatakbo ka
ng motor (na niregalo sayo ng nanay mo) habang lasing at huwag mo nang ituloy
ang natitirang potential 60 years na lifespan mo. (pero ayon sa kakilala ko,
nadadagdagan dawn ang lifespan ng tao kapag nakikipagsex at nababawasan naman
ito kapag nagyoyosi..). Graduation party. Agawan ng buhay
Christmas
party – Christmas nga eh. Di ba dapat masaya? Masaya nga, pero ayon sa ilang
mga research, madalas daw dito nangyayari yung agawan/gantihan ng syota o
asawa. Ang salarin? Alak, sigarilyo, shabu at ang careless whisper na
pinapatugtog kapag newspaper dance ang laro. Agawan ng relasyon. Mabuhay ang
single pag pasko.
New
year’s party- punyemas, alam nyo na naman kung ano meron ditto eh!! Kumpleto lahat
ng element dito. Kaparehas din to ng valentines day, dahil paniniwala nila may
ibang nationality(bukod sa normal at sa chinese) pa ang nagnewnewyear sa
ganitong petsa. Sabi nga nila: “PUTUKAN NA!”. Agawan ng puri.
Political
party- sa party na to, imbitado ang lahat. Lahat pwedeng magpabida, lahat
pwedeng makinig. Astig ang mapera ditto at kung sino magdadala ng pinakasikat
na bebot ditto ay mamahalin ng masa. Mabuti man ang intension ng party na to o
masama, agawan pa din to. Agawan ng tiwala ng taong bayan.
3rd
party- sa lahat ng mga party, isa to sa pinakamasahol, pinaka sinusumpa at
pinaka maraming namatay. Ang party daw na to ay hindi kelangan ng imbitasyon
pero punyeta, requirement dito ang pagpayag sa panlalandi (depende kung sino
ang lumandi). Sa party na to, napaka unpredictable ng pangyayari, pero ang
simula, kalagitnaan at dulo nito ay siguradong may masasaktan.

Nung
bata ako agawang base lang ang uso pero kuntento na sila dun. Di pa uso
annulment at divorce nun. Mag LAN party nalang tayo o kaya maglaro tayo ng
online game. Dun tayo magparty.
Bakit
ko ba nagawa tong kwento na to? Wala lang. tangina. Gusto ko magblog ulit kahit
minsan eh. Kaso tumapat sa kwento ni Janine Tugonon(at ginoogle ko pa
kung anong meron) at ayun, whalllahhh nagkaroon ng ganito sa isipan ng daliri
ko.
Thursday, August 30, 2012
Barbero? kwentong barbero? ano daw???
Hindi ko na alam kung kailan ko ito nasimulang marinig....
Hindi ko alam kung sino ang unang nagsabi...
hindi alam kung sino ang unang nagsinungaling...
hindi ko alam kung sino ang biktima...
Sa lahat ng kwento, may bida... at may kawawang biktima...
simula pa nung panahon ng kaibigan ng lolo ko, hanggang ngayon sa panahon ng mga kumare ni ricky reyes at rene salud, laging may umiikot na kwento sa upuan.
Minsan ang upuan na iyon ay umiikot, minsan kulay pula at nagmamassage pa... minsan naman bulok na nanlilibag na monoblock. Ang kwento ng barbero.
Si manong barbero, the all knowing omnipresent being. Lahat nakikita, lahat dinanas nya... lahat napagdaanan nya. laht ibabahagi nya sayo , lahat ng kwento pakikinggan mo. All ears ika nga nila, dahil ang tenga mo talaga ang nakasalalay kung antukin sya at magkamali ng gupit.
Hindi man tayo lahat naniniwala sa kwento nila, pinapakinggan natin ito. binansagan natin itong kwentong barbero. kwentong nagpasalin salin mula sa barbero ni lapu lapu, papunta sa mga taong nawalan ng trabaho ng panahon ni marcos at naging barbero hanggang sa mga barberong tambay ngayon. lahat ng kwentong sinasabi nila ay may pinanggalingan, minsan nakakaaliw. minsan nakakapukaw ng damdamin. maaaring mamulat ka sa tunay na kahulugan ng buhay.
pero bakit ganun, Sino ba ang nagpauso na tawaging barbero ang mga sinungaling. ang pagsisinungaling ay may iba ibang degree. alam ko ito dahil ako ay isang natural na sinungaling.
may mga nagsisinungaling dahil may gustong pagtakpan.
may nagsisinungaling dahil may gustong patunayan.
may nagsisinungaling dahil may gustong makuha.
may nagsisinungaling dahil wala lang.
may nagsisinungaling upang mapabuti ang isang tao...
"Basta lahat ng tao nagsisinungaling. ang iba halata, ang iba pinapahalata. ang tanging rason sa pagsisinungaling ay para malaman kung gaano kasinungaling ang ibang tao."
pero sa bandang huli.. hindi mo pa din dapat tawaging barbero ang mga sinungaling.
hindi sila kumikita ng pera habang nagkekwento na may hawak na gunting.
hindi nila hawak ang kapalaran ng itsura ng gupit mo at ng tenga mo kapag sila ay nagsisinungaling.
hindi inaamin na barbero sila.
*ang post na ito ay misteryosong hindi naipublish dati... ang alam ko kinclick ko to dati. pero ngayong tinignan ko yung draft andito pala sya... ang tanga lang....
Ang muling pagtawid mula sa kanto
Ang buhay talaga ay parang kalsada.
hindi ko sasabihing pandalawahan ito tulad ng sinabi na ng VST & company. pero para talagang kalsada ito, punong puno ng mga hindi inaasahang pangyayari, punong puno ng magagandang bagay. punong puno ng likulikong daan. punong.... OO na, punyeta... kaunti na ang puno sa kalsada! itigil na nga natin tong pag gamit ng salitang "punong-puno" at baka mapuno pa ko.
nakakalungkot isipin.. dati kapag naglalakad ang mga tao, mayroon pang mga puno na malalaki sa daanan, marami kang makikita na nakaukit na "I love *insert pangalan ng mahal + forever o kahit anong word na may kaparehas na meaning*.. kung makikita mo ito sa tanghali ay matutuwa ka dahil sa lilim na nabibigay nito. matatakot naman ang mga bata sa gabi dahil pinamamahayan daw ito ng kapre, tulad nung ginawa ko minsan para takutin sila, kaso miniature version ng kapre. yang mga punong iyan.. pwede mo silang ihalintulad sa mga ala-ala, nandoon sila sa magulong(minsan payapa) lansangan ng buhay. kada tingin mo sa kanya ay may maalala kang bagay na ginawa mo, maaring kasing korni ng pagakyat dito para makita kung saan umuuwi ang crush mo. O kasing brutal ng pag akyat dito dahil hinahabol ka ng mga asong naglalakihan nung panahon na badtrip ka sa mundo. pero kahit anong mangyari, ang mga punong nawala na sa kalsadang ito ay mahirap nang ibalik.... tulad ng alaala, mananatili lang itong ganyan....
pwera nalang kung magsisimula ka bumuo ulit ng panibagong alaala, itatanim mo ito kung saan mo magustuhan... susubaybayan mo ang pag usbong ng alaalang ito hanggang sa may iba nang tumulong sa iyo sa pag-aalaga at bandang huli ay sabay nyo na itong tititigan habang nasa ilalim ng lilim nito. at kung old school ka uukit mo ang pangalan mo dito dahil hindi ito considered na vandalism. pwede mo din i-instagram at lagyan ng mga EMO quotes tulad ng "ang mahuli, may tae sa pwet"... yung mga ganun tipo. sige lang... ipagpatuloy mo lang ang pag-gawa ng mga alaala, malay mo ikaw pa ang makapagbago ng mundo.
teka, pano napunta sa puno ang post ko? tungkol dapat to sa kalsada ah... ayun.
WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY.
yan ang lagi kong nakikita dati nung college pa ako, di ko maintindihan pero pakiramdam ko kulang ang mensahe nun. pero pauso nanaman sila ngayon. may nakaharang na sa mga paboritong lugar ko para mag jay-walk. ang nakakainis dito ay yung harang nila may tao pa na nakadrawing. nako lang... kung lahat lang sana ulit ay pwedeng tawiran, mas masaya ang magiging obserbasyon ko sa mga pilipino pedestrian.... miss na miss ko na ang mga iba't ibang estilo nila sa pagtawid, tulad netong mga to:
1. The JET - sila yung mga masya laging tumatawid ng patakbo sa kalsada. malayang nakalapad ang mga kamay habang tumatakbo... matulin, masaya, walang ibang iniisip. parang jetplane talaga ang itsura. common yan sa mga estudyante ng lower levels... "nagmamadaling tumawid sa papunta sa katandaan... nagmamadaling maging masaya.. naglalakad ng matulin, kung madapa sabog ang nguso."
2. Cha-cha - sila naman yung mga hindi sigurado sa kanilang hakbang. walang lakas ng loob tumawid, isang hakbang paharap, dalawa paatras. kapag nakahanap ng tyempo tatakbo ng mabilis. sila ang mga taong madalas mong sigawan sa kalsada..."walang masama sa paghihintay ng tamang pagkakataon, ang tanging kasalanan mo lang ay ang pagdudahan ang sarili mong kakayahan"
3. The Ghost - mga taong laging lutang... lutang ang pag-iisip, parang hindi na sila nag-eexist sa mundong ito. kitang kita mo ang depression nila habang naglalakad sa kalsada. sawi sa pag-ibig, nakagalitan sa bahay, bagsak sa mga subject. para silang may constant eye-to-eye contact at heart to heart talk sa enerhiya ng mundo dahil lagi silang nakayuko. samahan pa ito ng earphones na suot nila, hindi sila makikinig sa ibang tao.. hindi sila magugulat kung sila ay mababangga. " dito sa mundong ito, hindi ko ipagkakaila na may dahilan talaga upang mamatay nalang.... pero responsibilidad mo pa din na hanapin kung ano ang rason upang patuloy mabuhay.. kahit isang rason lang sapat na yon"
4. Dare Devil - sila ay buhay! kasing buhay ng leon na bagong kawala sa kural, kasing buhay tulad ng mundong umiikot sa ating mga paa. handa nilang salubungin ang kahit anong hahadlang sa pagtawid, kahit pa maiwanan nila ang mga taong nagmamahal sa kanila na hindi na makasunod sa bilis ng takbo ng buhay nya. "makatawid ka nga sa kabilang parte ng lansangan, may naiwanan ka pa din... naiwanan mo ang pagkakataon na makasama ang mga taong importante sayo, naiwanan mo ang pagkakataon na makasalubong ang mga taong maaaring makapag bago sayo upang mas gustuhing tumawid sa tamang landas ng buhay."
5. The Mob - ang isa sa pinaka masaya at epektibong paraan ng pagtawid. maghintay ng mga kasabay. maghawak hawak ng kamay, tumawid ng sabay sabaya, kapayapaan(2x). kung tatawid ka ng maraming kasama, hindi ka huhulihin ng pulis kung ikaw man ay mag jejay walking... madalas naming ginagawa to sa litex road dati. "sa araw araw na pagtawid nyo ng sama sama, may mga pamilyar na mukha na... pareparehas kayo ng trip. pareparehas ng batas na gustong suwayin. iisa ang layunin." maaring sila na nga ang mga kasangga mo pang habangbuhay.
6. Gangnam style - ETO ANG USO EH!! tatawid dahil may tumatawid din... tatawid kahit mukhang tanga.. tatawid dahil may ibang tumatawa sayo habang tumatawid ka. hala sige tumawid ka na parang nangangabayo. "wala namang batas na nagbabawal sa pagiging kakaiba eh. kapag kakaiba ka na, may dahilan ka nang tawanan sila dahil pareparehas na sila"
- marami pang ibang style sa pagtawid pero baka maumay kayo kung magkekwentuhan tayo.
pero basta, badtrip pa din ako sa mga footbridge dito dahil wala syang escalator.
Basta sinubukan ko lang ulit gumawa ng post. wala nang isip isip. basta "ang madulas, tanga"
Tuesday, January 17, 2012
Bagong Tambay sa Kanto

Matagal nang hindi tumatambay si Kitakuro dito. Sabi ko sa kanya "Pwede bang tumambay sa Kanto Tandang-Sora? Tutal busy ka naman." Pumayag naman siya. Gusto ko lang subukan kung me kakayahan pa akong magsulat ng Tagalog at titingnan ko kung kaya kong magbigay ng comedic na posts.
Sana tangkilikin din ako ng mga dating bumibisita dito sa Kanto, yun ay kung meron man pumupunta dito.
Monday, July 4, 2011
philippine Azkals nga ba talaga?? jejejejjeejejeje .... /wrist
Nitong huling mga buwan, biglang sumikat ang pinoy sa larangan ng football.
Ang dating pustahang pinoy na pinaghaharian ng basketball ay nahaluan na ng pustahan kung sino ang mananalo, ang philippine AZKALS ba o ang kalabang team... syempre pupusta sila sa ph team.
pero habang dumadalas kong naririnig ang pangalan ng Philippine AZKALS, mas marami akong naiisip na katanungan sa mga supporters... pati na din ang mga duda sa team na ito.
1. Bakit nga ba AZKALS ang pangalan ng team na ito?
- hindi kaya dahil sa pinas lang natin tinuturing na nag-eexist ang mga AS-KAL o asong kalye?
- dahil ba sa panahong ito naguso ang mga JEJEMON kaya ang dating AS-KAL ay napalitan ng Z ang S?
2. PHILIPPINE nga bang maituturing ang AZKALS?
- ilang percent nga kaya ang tunay na pinoy sa kuponang ito?
- ang mga sponsors, coach at managers nga ba ay pinoy?
3. Bakit sa tingin nyo sakto si Phil Younghusband sa team ng AZKALS?
- dahil karamihan talaga ng pinoy ay YOUNGHUSBAND?
- dahil karamihan ng pinoy ay gustong pumuti, tumangkad at tumangos ang ilong?
- dahil gusto nilang maging sikat sa kababaihan?
- dahil may kasama syang ANGEL?
4. Bakit hindi Pinoy ang GOALKEEPER?
- paborito kong posisyon ang goal keeper dahil GL din ako nung highschool days ko, pero diba dapat pinoy ang pumoprotekta ng dangal ng bansa nya?
- hindi ba ganun katiwatiwalang magbantay ang mga pinoy sa kanilang pinoprotektahan?
- dahil ba ito sa kasabihng "bantay - salakay?"
kung titignan dito sa diagram na ito mula kay wikipedia:
- maraming Phil-am, maraming phil-german , phil-younghusband... at marami talagang YOUNG HUSBAND...
- at mukhang imposibleng maging azkals ang iba sa kanila dahil: mamahalin ang breed ng aso na kaya nilang bilihin
pero ang masasabi ko:
magaling sila. magaling si emilio caligdong. malakas ang loob ni ian araneta. at ARTISTA NA SI PHIL YOUNG HUSBAND. congrats PHIL Angel'sHusband.
- MABUHAY ANG HALF-Philippine AZKALS!!
-MABUHAY ANG PURONG PINOY NA PLAYER NG AZKALS!!
-JEJEJE AZKALS.... G@linG gulhing nyow poe!

Monday, June 27, 2011
PAG-IBIG AY PARANG BASKETBALL DAW???
Sabi nga nila ang pag-ibig daw ay parang basketball, kailangan mong agawin ang gusto mo para manalo ka. Yan ang sabi nila..
pero hindi lang basta ganyan yan.
May iba ibang pwede na interpretasyon dito.
Tulad ng basketball, iba iba ang mga uri ng manlalaro na nandito. Nandito sila point guard, shooting guard, small forward, power forward, center, 6th man, bench warmer, water boy at kung sino sino pa. At ang taong mahal mo ay ang bola..... at ang coach ay ang mga lihim na mensahe na gustong iparating sayo ng taong gusto mo.
Kung iisaisahin ko sila, ganito ang mga ginagawa nila:
1. Point guard – sila ang pinaka sikat, sa kanila applicable ang kasabihan tungkol sa pang-aagaw dahil sila ang mahilig umeksena at mang-agaw ng karelasyon. Oo aaminin ko inis ako sa posisyon na to dahil hindi ako mahilig mang-agaw ng bola at hindi ako magaling magdribble. Speaking of dribble, sila ang magaling mandribble ng relasyon. Kaya nilang magsabay ng tatlong girlfriend ng hindi nahuhuli. Sila ay MAGALING MAMBOLA.

2. Shooting Guard – although applicable din sa kanila ang kasabihan tungjol sa pang-aagaw, nararapat lang na ibahin ang depenisyon sa kanila. Hindi nila main objective ang umeksena sa relasyon ng iba pero tulad nila james yap, chris tiu at kung sino sino pang basketball player, hindi na nila kailangan yun dahil ang atensyon ang kusang lumalapit sa kanila. Kung baga, ang bola ang lumalapit sa kanila... sila na ang bahala kung aagawin nila ito pero kapag nakuha na nila siguradong titira na sila ng 3 points.... pagtapos nun tatakbo ulit at mag-aabang ng susunod na bolang dadating at ititira ito. Oo galit din ako sa shooting guard kase hindi nila nararanasan ang paghihirap ng center at power forward na sumasalo ng mga kamalian nila (at hindi ako naging shooting guard). SILA ANG MASUSWERTENG TIPO NG TAO. Sila ang mga pinanganak na MAYAMAN o GWAPO.
3. Small Forward – eto ang isa sa pinaka paborito kong kakampi sa basketball. Sila ang mga uri ng tao na may kakayahan na maging Shooting Guard pero nagsusumikap sa ibaba ng court kung nasaan ang aksyon kasama ang Power Forward at Center. Nabiyayaan sila ng height, speed,looks at konting accuracy sa shooting. Sila ang balanced na player. Kung sa pag-ibig sila ang gugustuhing makasama ng mga babae dahil medyo harmless daw. Pero lagi silang nasisingitan ng mga point guard dahil nga agaw pansin lagi ang point guard. SILA ANG PABORITONG AGAWAN NG BOLA NG MGA POINT GUARD dahil hindi ganun kalaki ang height difference at medyo mabagal sila kumpara sa point guard. hindi sila masyadong mahilig magdribble ng relasyon.
4. Power Forward – eto ang bespren ng Center at backup ng Small forward. Sila ang mga tipong hindi umaatras. Sa relasyon hindi din sila umaatras, hindi sila sumusuko kahit ilang beses mabasted. Perpek example si Idol sakuragi. Lagi silang napapagbintangan na basagulero at lokoloko pero sila ay tunay na maginoo. Ilag din sa kanila ang point guard at shooting guard dahil isang maling galaw lang nila ay maari silang masaktan(hard foul) o ma shotblock.

5. Center – center... ang pundasyon ng team. Ang pinakamatangkad na myembro sa team. Lahat ay tinitingala sya lahat at nirerespeto ang angkin nyang lakas. At dahil dun, nahihirapan syang makahanap ng mamahalin nya. Naiintimidate ang mga babae sa height nya at namimis interpret ang lakas nya, iniisip nilang ito lang ay purong karahasan. Ang mga sentro ang experto sa pag-ba-boxout at rebound. Sa pag-ibig ganun din ang nakasanayan nilang gawin. Hindi sila mahilig mang-agaw ng karelasyon, silay naghihintay ng pagkakataon sa rebound at itinataas nya ito upang hindi na maagaw pa. At dahil sa height nya, nakikita nya ang lahat at pinoprotektahan nya ang taong gusto nya mula sa mga nagtatangka. Kadalasan siyang MOST DEFENSIVE PLAYER. At best REBOUNDER... pag nakuha na ang bola, dapat derecho DUNK na.
6. Bench warmer at mga Team Jokers– sila ang sobrang daming free time. wala silang pakialam kung ano ang nangyaayri sa paligid nila. Basta masaya na silang involved sila sa buhay ng mga tao sa paligid nila. Sila ay may maraming natatagong sikreto. Ang iba sa kanila ay may natatagong potensyal pero tinatamad lang.
7. Water Boy – sila ang pinaka thoughtful na member ng basketball. Kaibigan sila ng lahat. Minsan nabu-bully na sila sa sobrang kabaitan. Sa pag-ibig ay medyo kawawa din. Sila ang kadalasang nagiging ALIPIN NG PAG-IBIG.
8. MVP- ang mvp quality ay materyales pwertes. Iniidolo, kaibigan, crush ng lahat. Nasa kanila na lahat per kasabay nun ay may nakabigat kang responsibilidad. Maraming naiinggit at nagagalit sayo, ikaw ang target ng mga hard foul hitters , at maraming nakatingin na mata at kamaong nanggigigil kapag mag babae kang nasaktan.

Basta ganito nalang... kung ano ka man sa mga nabanggit, alamin mo kung ano ang lamang mo sa kanila... dahil sa basketball... ANG MAY MAS MATAAS NA POINTS ANG NANANALO... at eto pa:
Isa sa mga rule ng basketball: sundin ang coach, kung sa pag-ibig: kailangan mong sundin ang gusto ng taong trip mo. Kailangan mong intindihin ang gusto nilang sabihin... kailangan mong makiramdam, HINDI DAPAT PATANGA-TANGA.
- HINDI LANG TUNGKOL SA PANG-AAGAW ANG COMPARISON NG PAG-IBIG AT BASKETBALL-
Tuesday, February 8, 2011
mukhang tulog? o mukhang tanga?
Maraming dahilan kung bakit nakakatulog ang isang tao sa byahe... at kung gaano kadami ang dahilan nito... doble nun ang dahil upang magmukhang tanga ang isang tao habang nasa byahe.
Bakit tungkol sa mukhang tanga at mga tulog ang kwento ko? simple lang.... dahil sila ang mga madalas na target ng mga holdaper.
tama kayo! holdaper! .... kahit ipa spell mo pa sakin ang salitang holdaper ay alam ko na spelling nun ay letter G-A-G-O.
ang mga taong ito ay hindi basta basta... sila ay may pambihirang kakayahan...may matatalas na pakiramdam, mga paang sing bilis ng cheetah sa oras na sila ay nabisto, matatalas na paningin upang mapansin ang nakabukol na cellphone, wallet, laptop, LPG, Diploma at kung ano ano pang gamit sa bag mo, mayroon din silang magagaan na kamay upang hindi maramdaman ng kanilang pinupunterya at ang pinaka importante sa lahat..... makakapal ang mukha nila!!
may bonus pa silang ability na makaramdam ng taong tatanga-tanga upang gawing primary target.. sabi nga nila, it takes one to know one.
minsan din sila ay nagkakaroon ng mga kaibigan, Hindi ito tulad ng anime na ang masasamang tao at kontrabida ay walang kaibigan.... dahil sa mga mata din ng mga holdaper, ikaw naman ang kontrabida... at ang pulis ang mga GM.
Tama kayo sa inyong hinala... naexperience ko to... yun nga lang (buti nalang) naagapan ko.
Hindi ko din alam kung saan ko icacategorize ang sarili ko, kung sa mga tatanga-tanga ba? o sa mga taong tulog kung bakit ako napiling target ng mga holdaper na to..
eto.. ikekwento ko na...
dahil sa sobrang pagod, nagdesisyon na kong umuwi kahit 1am na... galing sa video editting kaya bugbog ang utak.... at ayun... nagdesisyon na akong dumerecho sa hobby ko... ang matulog sa bus.
Sumakay ako sa Robinsons galleria ng byaheng fairview.. di ko na matandaan yung pangalan ng bus basta sigurado ako na walang "gift of god", "katas ng saudi" ", o ël shadai" na karatula sa taas yun... kung meron... siguro basag na ko kase jeep yun.... pag sakay ko, nagbayad na agad ako sa konduktor at kasabay ng pagabot ng sukli, pumikit na ko at isinandal ang ulo ko sa bintana.
Habang bumabyahe, papuntang cubao, bigla nalang may naramdaman akong tumabi sa akin.... dun nga pala ako nakaupo sa pangwalong row na may pangdalawahan na upuan... nung una di ko pinansin at medyo nakikiramdam ako habang nakapikit... lingid sa kaalaman ng katabi ko na sensitibo ako pagtulog sa byahe... agad akong nagigising kapag may tumatabi na sakin.... instinct ko na rin na makaramdam ng panganib... at syempre mag-attract ng panganib.
aba akalain mo na sinisiksik ako nung katabi ko... medyo pinabayaan ko muna kase di ko pa nakikita ang itsura nya... at medyo napikon na ko at dumilat... nakita ko ang isang nakakainis na mukha ng isang lalake... medyo malaki ang katawan na parang built ng construction worker... at pang cosntruction worker din ang porma....
kadalasan sa pag-gising ko ay namumula ang mata ko, nanlilisik at derecho ang tingin... natatakot minsan ang nakakatsempo ng ganito sakin... pero ibang usapan ang nangyari sa bus dahil sinabayan nya ang mga mata ko.... kasabay nito ay bigla nalang na-activate ang aking "state awareness" nakita ko sa kabilang upuan na may dalawa syang kasama at napansin ko na rin na may tumayo ay naglalakad papalapit sa upuan sa harap ko.... kaunti din lang ang sakay ng bus... at nasa cubao na pala ako...
pumorma ang katabi ko na katulad ng porma ko... nasa harapan ang bag at ang kaliwang kamay ay nakatago sa likod nito na pormang may huhugutin... nakaharang din ang kanya tuhod sa upuan... parang gusto nya kong kulungin sa pagkakaupo ko...
mga kasama nya ay nagiingay na din na parang gumagawa ng distraction .... at bigla nalang akong nakaisip ng isang paraan... kusang kumilos ang katawan ko.... inilagay ko sa kaliwang tagiliran ko ang aking bag... sumigaw ako sa konduktor na ""victory liner lang!!" (kahit hanggang fairview ang binayaran ko) at pilit kong tinabig ang tuhod nung manong... tinigasan nya tuhod nya na parang may pinaplano... at ipinilit ko nalang na makaalpas.... at nagmadali sa gitna ng bus ... para hindi na makareact yung mga kasama nya... habang ginagawa ko ito ay sinusundan ako ng masamang tingin nung hayop na manong... at nung malapit na ako sa pintuan, kusa nalang kumilos ang katawan ko, lumingon pabalik sa kanila, bumukas ang bibig at nagbitaw ng malutong na mura, "ta#$ $#% mo!" sabay bumaba..... ang manong ay sumasabay ng kanta sa radyo... siguro para hindi magbisto na may binabalak sya kanina....
siguro tinatanong nyo din kung ano mangyayari kung sinundan ako nung mga yun? at kung bakit ako bumaba sa bus. eto ang dahilan ko:
- mas delikado ka sa loob ng bus... hindi ka makakalaban.. hindi ka makakapalag kapag napaplibutan ka sa loob ng bus...
- mas malawak ang matatkbuhan, magagalawan mo kapag nasa kalsada ka.
- mas madaling makaiwas sa kutsilyo sa kalsada
- mas maraming pwedeng magamit for self defense sa kalsada
- at mas maraming tao.
nakaligtas ako sa pangyayari na iyon.... pero may mga katanungan pa din na hindi ko nasagot... mukha ba kong tatanga tanga? o mukha talaga akong mahimbing na natutulog? ... mukha ba kong mayaman? o mukhang mahina?
basta ang sinabi ko nalang sa sarili ko, minura ko sila dahil holdaper sila... kung nagkamali man ako sa hinala ko OK lang kase napaka gago ng ugali nila para mang-gitgit ng tulog na pasahero kahit maraming bakante, gago siya upang makipagtitigan ng masama sa taong tulog na nagising nya.....at napakaingay nila kapag may tulog na nagigising.
-walang kinalaman ang drawing ko na ito sa galit ko nang muntik na ko maholdap...
- yang picture ko nung tulog ay kinunan nila jodie habang tulog ako sa sofa sa pantry .. hindi yan sa bus
- pinatunayan ni maykel musngi na gwapo daw ako

Wednesday, January 5, 2011
Bumibilis ang tibok ng puso ko.. Love na ba to?
Ganito ang nangyari nun...
Excited ako sa bago ko ng ps3 kaya naglaro ako ng White Knight Chronicles pagdating ko sa bahay... at sabi ko sa sarili ko maglalaro lang ako ng kahit 2 hours... ok start ako ng 8 am... pero as usual.. tulad ng mga bata sa computer shop na sumisigaw ng “Abnormalities na kakampi yan! Ang bobo!”
.. nag extend ako ng oras..... dumating yung bantay ng computer shop.. este nanay ko pala, at sinigawan ako na matulog na ko... sabi ko sa kanya ... “ teka lang...save ko nalang ma” .... peste na yan 4 pm na gising pa ko... masama pa nyan, naka “deathgrip pa ako sa controller ko” ..
.... senyales lang ito na nagiinit pa lang ako sa paglalaro.... pero naisip ko ang mundo ng mga matatandang amerikano na naghihintay sakin (na nangangailangan ng tulong sa virus problem, internet connection problem, computer crash problem at attitude problem.) kaya ayun... pinatay ko na ng ps3 ko.... kasabay din nito ang pagkamatay ng character ko... hanep!
Sabi ko matutulog na dapat ako.... ang problema, hindi ako makatulog... bakit? Kase nakabukas ang tv... sino ba naman ang makakatulog sa malalakas na kalampag ng mga suntok ni takamura at bryan hawk ng KNOCK OUT? Buti naman natapos na ang palabas... btw.. tinapos ito ng patalastas ng wow ulam... mukhang tanga.... XD
Ayus, makakatulog na ko!! I LIED!!! –sabi nga naman ni gloria...
Dumating ang ate ko galing palengke, guess what..... nakasalubong daw sya ng pirata na di nakasakay sa barko, hindi daw ito si jack sparrow... pero binentahan sya ng dvd.... Knock out na DVD.... PUNYETA~~
.. ang hindi tinapos ng tv, ay tatapusin ng dvd.... pumikit ka nga lang dahil sa sablay na subtitles... buti nalang tungkol sa sapakan ang KO kaya OK lang... :D
... tuloy ang ligaya!! Hahaha di na ko nakatulog... kahit yung pinapanood ko ay napatulog na sa suntok... yung isa nga muntik nang mamatay eh.... hindi ko alam na maya maya lang ay mangyayari din sakin yun... ang muntik nang mamatay.
8 o’clock .... hindi ito brand ng juice.. pero yan ang ininom ko para maghandang pumasok sa trabaho... 12 kasi ang pasok ko... kung kokomputin mo ang oras ng byahe, oras ng trapik, i-minus mo pa kapag natatae yung driver at mablis sya magpatakbo plus mo naman kung may nakaharang na bus sa ortigas ilalim dahil umiihi ang driver nito, dapat umalis na ako sa bahay para dumating ako ng 10 pm... at yung 2 hours na yun ang itutulog ko sa pantry (na may Ps3 din .. nakakatempt lalo ituloy ang laro).
At ayun.. naglakad ako palabas ng village ng papikit.... to conserve energy nga para ready to sleep sa jeep (wow may rhyme!)
... at common strategy na ang pag sandal sa poste pag pagod ka o inaantok habang nagaantay ng jeep... trust me effective yan since college... at medyo dumilat ako dahil naramdaman ko na may mga tao sa tabi ko... yun pala nagaabang din ng jeep....akala ko talaga holdaper... wow ibig sabihin mas pangit sila sakin! First time na nangyari yun ah! ... ok continuation ng kwento... napapikit ulit ako ... hinihintay lang ng tenga ko ang tunog ng makina ng jeep... pero puro trycicle ang naririnig ko... (sanayan lang yan para maramdaman mo kung ano ang dumadaan na sasakyan)...at may dumaan na jeep... hindi sya byaheng litex... ok cge pinalampas na namin.... maya mayang konti ay may narinig akong makina ng truck... medyo napadilat ako.. at kasabay nun ay nakarinig ako ng katulad ng kaluskos ng mga wire na nababatak... diba sabi nga nila kapag kasama
mo ang taong mahal mo ay bumibilis ang oras pati tibok ng puso mo?
.. iba ang kaso kapag nakita mo ang sarili mo na nasa panganib..... eto ang automatic settings ng katawan ko nung panahon na iyon:
1. Bumilis ang tibok ng puso ko – adrenalin rush ang resulta
2. Bumagal ang buong paligid at lumalakas ang pakiramdam mo– makikita mo ang lahat ng posible mong daanan sa panahon ng panganib.
3. Biglang lumalakas ang at nagiging flexible ang muscles mo – resulta ay para kang isang gymnast.
4. Nawawala ang ability ng utak mo upang magdesisyon ng mabagal.
So ganito ang nangyari:
Narinig ko yung tunog ng wires, biglang na-activate ang survival mode ng katawan ko, wala pang isang segundo tumalon ako papalayo sa poste na sinasandalan ko, wala pang isang segundo upang isipin ko na umiwas papunta sa kaliwa kung sakaling may kuryente ang mga wire na naputol, at kitang kita ng mata ko ang lahat ng dadaanan ko upang tumawid sa kalsada habang hindi nasasabasaan ng mga tricycle ng walang hinto.
Tapos ayun... after 3 seconds siguro, isang malakas na kalampag ng isang malaking metal plate na pinagkakabitan ng mga wire sa poste. Bumagsak sya sa sinasandalan kong poste. Yung wires naman ay ayun, sa kabutihang palad walang kuryente... pero kinaladkad sya nung truck. Pano ko nalaman na kinaladkad sya ng truck? Pano ba naman kase yung isa pala sa mga naiwasan ko na sasakyan ay byaheng litex pala ... kaya imbis na ipagluksa ko ang muntik ko nang kamatayan, sumakay nalang agad ako kaysa ipagluksa ko ang pagiging late. On the way papuntang litex inabutan pa namin yung truck , na kinakaladkad nya yung mga makakapal na wire... parang christmas lights... hahahaha.... yung truck pala na iyon ay paarang yung sinasakyan ng mga nambubutas ng kalsada. At ayun... patuloy ang buhay, nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo, na hindi hihinto kahit na tumigil na sa paghinga ang isang katulad ko. Pero sabi nila posible naman na umikot ang mundo mo sa iisang tao.... kung nangyari yun, mayaman ka na... kase nakakabili ka na ng sarili mong mundo..... korni ano? Ganun talaga... wala akong pake...basta ako hindi nakatulog buong shift!
Moral Lesson 1:
hindi lahat ng pangit ay holdaper.
Moral Lesson 2:
If there is a sudden feeling, Don't think, thinking sucks! making a quick move always saves your life
Moral lesson 3:
Hindi mo kelangan ng kape para magising ka bigla.
Wednesday, December 1, 2010
Bababa ba? bababa? bababa!!!
Nobyembre nun..... isang napakadilim na umaga.... sinimulan ng black out kagabi. hanggang ngayon wala pa ring ilaw.
Nakapaglakad ako papunta sa kanto namin matapos ang ilang itim na pusa, paniki sa puno ng alatiri(aratilis... basta) at ilang madaling araw ang shift na lasenggo. At sumakay na ako ng jeep para pumasok sa eskwelahan. Tama kayo... estudyante ako nung nangyari ang kwentong ito.
bumaba ako sa jeepney after ilang traffic light na may mga halimaw na naka kulay yellow, pagtapos ng maraming nagjajogging sa umaga na may daladalang cellphone at mga humahabol sa likod nya. Nasa Munoz na ako ngayon at naghanap ng masasakyang jeep ng project 8. nakaupo na ko at napapikit hindi ako napapikit dahil nobyembre ngayon at takot ako sa multo, hindi din dahil nagmemeditate ako para bumukas ang 3rd eye ko.... napapikit ako dahil inaantok ako sa lamay.
Panahon kasi ng paglalamay ang buwan ng nobyembre. Dito nagagahol ang mga estudyante para sa kanilang notes na chinechekan ng mga prof, mga tulang kailangan ipasa, programming codes, mga take home quiz at mga gaol na review session para pumasa sa major exams.
Ayun, napapikit nga ako... at nanlamig ang pakiramdam.... nakarinig ng kaluskos at kinabahan. Naalala ko, normal lang na may kaluskos dahil nakasakay ako sa jeep na naghihintay ng pasahero. Dumilat ako kahit labag sa loob ng inaantok kong katawan. Pagdilat ko ay nakita ko sa aking harapan ay isang matandang babae, matandang lalake at sa tabi ko ay ilang mga tao..... AT LAHAT SILA NAKATINGIN SA AKIN!!
.... WALANG IMIK....
... WALANG HINIHINGING BAYAD.....
.... WALANG EMOSYON.....
ganyan sila ng mga ilang segundo. Inisip ko talaga na multo sila o binabangungot ako. mukha talagang eksena sa isang horror film. kumpleto sa nakakatakot na mga taong ngayon ko lang nakita.
Umihip ang malamig na hangin at biglang may nagsalita
Matandang babae: Hindi ka na dapat pumarito~ (sa halatang nanghihinang tono ng boses)
Ako: ~~~ * katahimikan*
Matandang babae: Hindi ka dapat nandito~~
sa Isip ko: * bakit ganyan sila magsalita sakin? sino ba sila? at bakit sila nakatingin sa akin?*
Matandang Lalake: Iho, aandar na ang jeep, inarkila namin ito... lumipat ka nalang..... pasensya na..
(nanginginig din ang tono)
Mixed ang pakiramdam ko, magkahalong takot, pagod, antok, pagkabahala at natatae...
natakot ako dahil baka pagtulungan nila akong tawanan dahil sa katangahan ko..... tatawanan nila ako, at hindi ako makakaganti dahil sasabihin nilang korni ako, pagod ako dahil nakakapagod mag-isip ng 30 bagay ng sabay sabay.... at natatae na ako sa sobrang pagkainip....
sumakay na ako sa panibagong jeep at nagpatuloy ang buhay..... hanggang naabot ko na ang aking kinalalagyan dito sa opisina namin ngayon...

Subscribe to:
Posts (Atom)