Thursday, April 9, 2015

Masayang gawain: Pag-iigib ng tubig sa KANTO.

Throwback.

Yan ang tawag nila sa pagbabaliktanaw at pagmumuni-muni tungkol sa ating mga nakalipas.
Naalala ko tuloy yung mga panahon na pinagtatawanan nila ako dahil sabi ko balang araw magbabayad tayo para sa tubig, kahit nung mga panahon na yun ay libre ang pag-gamit at pag-inom ng tubig.

Nung umakyat ako sa bundok last week, yun ang na-experience ko. Natuwa ako dahil libre ang tubig. Lumakad lang kami ng malayo at huminto sa isang tindahan. Nagtanong kami kung may tinitinda silang tubig. Sabi ng ale; "Iho, libre ang tubig akin na ang lalagyan mo at punuin natin".





Nakakatuwang malaman na mayrron pang lugar sa mundo na libre ang tubig at hindi alam ang salitang Wi-Fi.
Nakakalungkot isipin na sa ating mundong ginagalawan ngayon, minsan mas necessity pa ang internet kaysa sa tubig.


Na mas nabubuhay ang tao tuwing sya ay nakatingin lang sa screen, kumpara sa pagtitig sa magagandang tanawin at maexperience ang mga kakaibang bagay.

Na mas natutuwa silang magpost at makakuha ng maraming likes kaysa makipag kwentuhan at palitan ng mga experience.

Na mas may dating ang pagpicture sa pagkain kaysa sa actual na pagluluto at pagkain dito.

hay. Ang modernong panahon nga naman.


Hayaan mo, sa susunod na henerasyon hindi na natin kailangan pang magbayad para magkaroon ng internet.
Kabaligtaran ang mangyayari.
Magbabayad tayo para mawala sa internet.

Hindi na tayo magbabayad para sa internet cafe.
Magbabayad tayo para sa isang lugar na imposibleng pasukin ng wi-fi o anumang interaksyon ng internet.

Sige tawa ulit.
Nakakabagabag na malamang may mga sumubok nang magbenta ng sariwang hangin at may bumili na nito.

Libre yun dati diba?
Malay mo, hindi na din libreng mangarap, ngumiti, magmahal at umutot.

Thursday, August 15, 2013

Balikan ang tambayang kanto.

August 14. punyeta. di tayo nakanood ng linkin park.
wal eh, ganun talaga. pero etong buong linggo na to, maramirami talagang bagay na nakapagpaalala sayo. yung kumalat na hoax video tungkol sa panahon, mga MAC OS, manila ocean park at kung ano ano pang sh*t. parang nananadya sila. sabay sabay nilang minumulto ang tahimik kong buhay. pero ngayong araw na to, may nabasa ako na libro.

syempre, tulad ng ilang mga normal na libro, makakrelate ka dito. ito ay tungkol sa mga tampururot, pagpapakipot, mga taeng nagpupumilit bumalik sa pwet at damdaming laging gustong lumabas.



bandang huli, natuklasan ko na may isang bagay pa palang naghohold back sakin. dun sa lugar na lagi kong naiiwanan yung singsing namin. nakita ko to after 1 year. maalikbok, medyo may kalawang at di na maaininag ang tunay na kahulugan nito. sakto talaga.


kahit matagal na nya naiwala yung kanya, eto naiwan sa taas ng ref namin. masyado na syang matagal naghintay dun ng di ko namamalayan. dapat na syang magpahinga.

"from the ashes, you will be reborn. from the ashes as pure as white snow, will rise a strong type of metal"


tulad nung sa libro, masasabi ko na ang totoong ending talga ng lahat ng kwento ay isang matinding "to be continued". astig. 

Thursday, April 18, 2013

Sa bawat lugar sa Kanto, may party... parte parte ang kanilang mga naranasan.




Sa dami ng party na napuntahan ko dito sa kantotandangsora, marami akong nakilala. Maraming kwento.
Maraming dahilan.
Kanya kanyang palusot.
Kanya kanyang kuro kuro. Kanya kanyang pasikat.

May party na sosyal, party na tipid, partyng pang-inuman. At partyng para may makilala lang. 


astig diba?

 Iba ibang party para sa iba’t ibang motibo ng mga grupo na gumagawa nito. Pero sa isandaang motibo, halos kalahati ang may masamang balak, sabi nga nila: 

“basta may alak… may balak”




E bat ganun? Napansin ko lang, unti unti na yatang tumatanda ang mga party ngayon, kahit yung mga party na pambata talaga. Dati ang mga party talaga ay pa coke coke lang, videoke, asaran at kulitan.
Tignan mo ngayon, party na hindi mawawala ang alak. Kahit na ang batang 3 yr old ang may birthday, nakikigulo ang mga kuya at tatay sa mga guest na ate at tagabantay ng bata. 

Astig diba?

Mangilan ngilan lang sa mga party na yan yung mga:


Traditional na graduation party- success!! Graduate na! ng grade 6. Punyemas. Sige tapos ka nan g grade 6, imbitahin mo yang mga barkada mo at maginom kayo, magpatakbo ka ng motor (na niregalo sayo ng nanay mo) habang lasing at huwag mo nang ituloy ang natitirang potential 60 years na lifespan mo. (pero ayon sa kakilala ko, nadadagdagan dawn ang lifespan ng tao kapag nakikipagsex at nababawasan naman ito kapag nagyoyosi..). Graduation party. Agawan ng buhay  


Christmas party – Christmas nga eh. Di ba dapat masaya? Masaya nga, pero ayon sa ilang mga research, madalas daw dito nangyayari yung agawan/gantihan ng syota o asawa. Ang salarin? Alak, sigarilyo, shabu at ang careless whisper na pinapatugtog kapag newspaper dance ang laro. Agawan ng relasyon. Mabuhay ang single pag pasko.

New year’s party- punyemas, alam nyo na naman kung ano meron ditto eh!! Kumpleto lahat ng element dito. Kaparehas din to ng valentines day, dahil paniniwala nila may ibang nationality(bukod sa normal at sa chinese) pa ang nagnewnewyear sa ganitong petsa. Sabi nga nila: “PUTUKAN NA!”. Agawan ng puri.


Political party- sa party na to, imbitado ang lahat. Lahat pwedeng magpabida, lahat pwedeng makinig. Astig ang mapera ditto at kung sino magdadala ng pinakasikat na bebot ditto ay mamahalin ng masa. Mabuti man ang intension ng party na to o masama, agawan pa din to. Agawan ng tiwala ng taong bayan.

3rd party- sa lahat ng mga party, isa to sa pinakamasahol, pinaka sinusumpa at pinaka maraming namatay. Ang party daw na to ay hindi kelangan ng imbitasyon pero punyeta, requirement dito ang pagpayag sa panlalandi (depende kung sino ang lumandi). Sa party na to, napaka unpredictable ng pangyayari, pero ang simula, kalagitnaan at dulo nito ay siguradong may masasaktan.


Nung bata ako agawang base lang ang uso pero kuntento na sila dun. Di pa uso annulment at divorce nun. Mag LAN party nalang tayo o kaya maglaro tayo ng online game. Dun tayo magparty.

Bakit ko ba nagawa tong kwento na to? Wala lang. tangina. Gusto ko magblog ulit kahit minsan eh. Kaso tumapat sa kwento ni Janine Tugonon(at ginoogle ko pa kung anong meron) at ayun, whalllahhh nagkaroon ng ganito sa isipan ng daliri ko.  

Thursday, August 30, 2012

Barbero? kwentong barbero? ano daw???


Hindi ko na alam kung kailan ko ito nasimulang marinig....
Hindi ko alam kung sino ang unang nagsabi...
hindi alam kung sino ang unang nagsinungaling...
hindi ko alam kung sino ang biktima...

Sa lahat ng kwento, may bida... at may kawawang biktima...
simula pa nung panahon ng kaibigan ng lolo ko, hanggang ngayon sa panahon ng mga kumare ni ricky reyes at rene salud, laging may umiikot na kwento sa upuan.
Minsan ang upuan na iyon ay umiikot, minsan kulay pula at nagmamassage pa... minsan naman bulok na nanlilibag na monoblock. Ang kwento ng barbero.

Si manong barbero, the all knowing omnipresent being. Lahat nakikita, lahat dinanas nya... lahat napagdaanan nya. laht ibabahagi nya sayo , lahat ng kwento pakikinggan mo. All ears ika nga nila, dahil ang tenga mo talaga ang nakasalalay kung antukin sya at magkamali ng gupit.

Hindi man tayo lahat naniniwala sa kwento nila, pinapakinggan natin ito. binansagan natin itong kwentong barbero. kwentong nagpasalin salin mula sa barbero ni lapu lapu, papunta sa mga taong nawalan ng trabaho ng panahon ni marcos at naging barbero hanggang sa mga barberong tambay ngayon.  lahat ng kwentong sinasabi nila ay may pinanggalingan, minsan nakakaaliw. minsan nakakapukaw ng damdamin. maaaring mamulat ka sa tunay na kahulugan ng buhay.

pero bakit ganun, Sino ba ang nagpauso na tawaging barbero ang mga sinungaling. ang pagsisinungaling ay may iba ibang degree. alam ko ito dahil ako ay isang natural na sinungaling.
 may mga nagsisinungaling dahil may gustong pagtakpan.
may nagsisinungaling dahil may gustong patunayan.
may nagsisinungaling dahil may gustong makuha.
may nagsisinungaling dahil wala lang.
may nagsisinungaling upang mapabuti ang isang tao...

"Basta lahat ng tao nagsisinungaling. ang iba halata, ang iba pinapahalata. ang tanging rason sa pagsisinungaling ay para malaman kung gaano kasinungaling ang ibang tao." 

pero sa bandang huli.. hindi mo pa din dapat tawaging barbero ang mga sinungaling.

hindi sila kumikita ng pera habang nagkekwento na may hawak na gunting.
hindi nila hawak ang kapalaran ng itsura ng gupit mo at ng tenga mo kapag sila ay nagsisinungaling.
hindi inaamin na barbero sila.




*ang post na ito ay misteryosong hindi naipublish dati... ang alam ko kinclick ko to dati. pero ngayong tinignan ko yung draft andito pala sya... ang tanga lang....

Ang muling pagtawid mula sa kanto



Ang buhay talaga ay parang kalsada.

Emo_road

hindi ko sasabihing pandalawahan ito tulad ng sinabi na ng VST & company. pero para talagang kalsada ito, punong puno ng mga hindi inaasahang pangyayari, punong puno ng magagandang bagay. punong puno ng likulikong daan. punong.... OO na, punyeta... kaunti na ang puno sa kalsada! itigil na nga natin tong pag gamit ng salitang "punong-puno" at baka mapuno pa ko.

nakakalungkot isipin.. dati kapag naglalakad ang mga tao, mayroon pang mga puno na malalaki sa daanan, marami kang makikita na nakaukit na "I love *insert pangalan ng mahal + forever o kahit anong word na may kaparehas na meaning*.. kung makikita mo ito sa tanghali ay matutuwa ka dahil sa lilim na nabibigay nito. matatakot naman ang mga bata sa gabi dahil pinamamahayan daw ito ng kapre, tulad nung ginawa ko minsan para takutin sila, kaso miniature version ng kapre. yang mga punong iyan.. pwede mo silang ihalintulad sa mga ala-ala, nandoon sila sa magulong(minsan payapa) lansangan ng buhay. kada tingin mo sa kanya ay may maalala kang bagay na ginawa mo, maaring kasing korni ng pagakyat dito para makita kung saan umuuwi ang crush mo. O kasing brutal ng pag akyat dito dahil hinahabol ka ng mga asong naglalakihan nung panahon na badtrip ka sa mundo.  pero kahit anong mangyari, ang mga punong nawala na sa kalsadang ito ay mahirap nang ibalik.... tulad ng alaala, mananatili lang itong ganyan....
pwera nalang kung magsisimula ka bumuo ulit ng panibagong alaala, itatanim mo ito kung saan mo magustuhan... susubaybayan mo ang pag usbong ng alaalang ito hanggang sa may iba nang tumulong sa iyo sa pag-aalaga at bandang huli ay sabay nyo na itong tititigan habang nasa ilalim ng lilim nito. at kung old school ka uukit mo ang pangalan mo dito dahil hindi ito considered na vandalism. pwede mo din i-instagram at lagyan ng mga EMO quotes tulad ng "ang mahuli, may tae sa pwet"... yung mga ganun tipo. sige lang... ipagpatuloy mo lang ang pag-gawa ng mga alaala, malay mo ikaw pa ang makapagbago ng mundo.

teka, pano napunta sa puno ang post ko? tungkol dapat to sa kalsada ah... ayun.

WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY.

yan ang lagi kong nakikita dati nung college pa ako, di ko maintindihan pero pakiramdam ko kulang ang mensahe nun. pero pauso nanaman sila ngayon. may nakaharang na sa mga paboritong lugar ko para mag jay-walk. ang nakakainis dito ay yung harang nila may tao pa na nakadrawing. nako lang... kung lahat lang sana ulit ay pwedeng tawiran, mas masaya ang magiging obserbasyon ko sa mga pilipino pedestrian.... miss na miss ko na ang mga iba't ibang estilo nila sa pagtawid, tulad netong mga to:

1. The JET - sila yung mga masya laging tumatawid ng patakbo sa kalsada. malayang nakalapad ang mga kamay habang tumatakbo... matulin, masaya, walang ibang iniisip. parang jetplane talaga ang itsura. common yan sa mga estudyante ng lower levels...  "nagmamadaling tumawid sa papunta sa katandaan... nagmamadaling maging masaya.. naglalakad ng matulin, kung madapa sabog ang nguso."

2. Cha-cha - sila naman yung mga hindi sigurado sa kanilang hakbang. walang lakas ng loob tumawid, isang hakbang paharap, dalawa paatras. kapag nakahanap ng tyempo tatakbo ng mabilis. sila ang mga taong madalas mong sigawan sa kalsada..."walang masama sa paghihintay ng tamang pagkakataon, ang tanging kasalanan mo lang ay ang pagdudahan ang sarili mong kakayahan"

3. The Ghost - mga taong laging lutang... lutang ang pag-iisip, parang hindi na sila nag-eexist sa mundong ito. kitang kita mo ang depression nila habang naglalakad sa kalsada. sawi sa pag-ibig, nakagalitan sa bahay, bagsak sa mga subject. para silang may constant eye-to-eye contact at heart to heart talk sa enerhiya ng mundo dahil lagi silang nakayuko. samahan pa ito ng earphones na suot nila, hindi sila makikinig sa ibang tao.. hindi sila magugulat kung sila ay mababangga. " dito sa mundong ito, hindi ko ipagkakaila na may dahilan talaga upang mamatay nalang.... pero responsibilidad mo pa din na hanapin kung ano ang rason upang patuloy mabuhay.. kahit isang rason lang sapat na yon"

4. Dare Devil - sila ay buhay! kasing buhay ng leon na bagong kawala sa kural, kasing buhay tulad ng mundong umiikot sa ating mga paa. handa nilang salubungin ang kahit anong hahadlang sa pagtawid, kahit pa maiwanan nila ang mga taong nagmamahal sa kanila na hindi na makasunod sa bilis ng takbo ng buhay nya. "makatawid ka nga sa kabilang parte ng lansangan, may naiwanan ka pa din... naiwanan mo ang pagkakataon na makasama ang mga taong importante sayo, naiwanan mo ang pagkakataon na makasalubong ang mga taong maaaring makapag bago sayo upang mas gustuhing tumawid sa tamang landas ng buhay."

5. The Mob - ang isa sa pinaka masaya at epektibong paraan ng pagtawid. maghintay ng mga kasabay. maghawak hawak ng kamay, tumawid ng sabay sabaya, kapayapaan(2x). kung tatawid ka ng maraming kasama, hindi ka huhulihin ng pulis kung ikaw man ay mag jejay walking... madalas naming ginagawa to sa litex road dati. "sa araw araw na pagtawid nyo ng sama sama, may mga pamilyar na mukha na... pareparehas kayo ng trip. pareparehas ng batas na gustong suwayin. iisa ang layunin." maaring sila na nga ang mga kasangga mo pang habangbuhay.

6. Gangnam style - ETO ANG USO EH!! tatawid dahil may tumatawid din... tatawid kahit mukhang tanga.. tatawid dahil may ibang tumatawa sayo habang tumatawid ka. hala sige tumawid ka na parang nangangabayo. "wala namang batas na nagbabawal sa pagiging kakaiba eh. kapag kakaiba ka na, may dahilan ka nang tawanan sila dahil pareparehas na sila"

- marami pang ibang style sa pagtawid pero baka maumay kayo kung magkekwentuhan tayo.

pero basta, badtrip pa din ako sa mga footbridge dito dahil wala syang escalator.



 Basta sinubukan ko lang ulit gumawa ng post. wala nang isip isip. basta "ang madulas, tanga" 

Tuesday, January 17, 2012

Bagong Tambay sa Kanto


Matagal nang hindi tumatambay si Kitakuro dito. Sabi ko sa kanya "Pwede bang tumambay sa Kanto Tandang-Sora? Tutal busy ka naman." Pumayag naman siya. Gusto ko lang subukan kung me kakayahan pa akong magsulat ng Tagalog at titingnan ko kung kaya kong magbigay ng comedic na posts.

Sana tangkilikin din ako ng mga dating bumibisita dito sa Kanto, yun ay kung meron man pumupunta dito.

Monday, July 4, 2011

philippine Azkals nga ba talaga?? jejejejjeejejeje .... /wrist

Nitong huling mga buwan, biglang sumikat ang pinoy sa larangan ng football.
Ang dating pustahang pinoy na pinaghaharian ng basketball ay nahaluan na ng pustahan kung sino ang mananalo, ang philippine AZKALS ba o ang kalabang team... syempre pupusta sila sa ph team.

pero habang dumadalas kong naririnig ang pangalan ng Philippine AZKALS, mas marami akong naiisip na katanungan sa mga supporters... pati na din ang mga duda sa team na ito.

1. Bakit nga ba AZKALS ang pangalan ng team na ito?
- hindi kaya dahil sa pinas lang natin tinuturing na nag-eexist ang mga AS-KAL o asong kalye?
- dahil ba sa panahong ito naguso ang mga JEJEMON kaya ang dating AS-KAL ay napalitan ng Z ang S?

2. PHILIPPINE nga bang maituturing ang AZKALS?
- ilang percent nga kaya ang tunay na pinoy sa kuponang ito?
- ang mga sponsors, coach at managers nga ba ay pinoy?

3. Bakit sa tingin nyo sakto si Phil Younghusband sa team ng AZKALS?
- dahil karamihan talaga ng pinoy ay YOUNGHUSBAND?
- dahil karamihan ng pinoy ay gustong pumuti, tumangkad at tumangos ang ilong?
- dahil gusto nilang maging sikat sa kababaihan?
- dahil may kasama syang ANGEL?

4. Bakit hindi Pinoy ang GOALKEEPER?
 - paborito kong posisyon ang goal keeper dahil GL din ako nung highschool days ko, pero diba dapat pinoy ang pumoprotekta ng dangal ng bansa nya?
 - hindi ba ganun katiwatiwalang magbantay ang mga pinoy sa kanilang pinoprotektahan?
 - dahil ba ito sa kasabihng "bantay - salakay?"


kung titignan dito sa diagram na ito mula kay wikipedia:

- maraming Phil-am, maraming phil-german , phil-younghusband... at marami talagang YOUNG HUSBAND...
- at mukhang imposibleng maging azkals ang iba sa kanila dahil: mamahalin ang breed ng aso na kaya nilang bilihin


pero ang masasabi ko:
magaling sila. magaling si emilio caligdong. malakas ang loob ni ian araneta. at ARTISTA NA SI PHIL YOUNG HUSBAND. congrats PHIL Angel'sHusband.

- MABUHAY ANG HALF-Philippine AZKALS!!
-MABUHAY ANG PURONG PINOY NA PLAYER NG AZKALS!!
-JEJEJE AZKALS.... G@linG gulhing nyow poe!