Throwback.
Yan ang tawag nila sa pagbabaliktanaw at pagmumuni-muni tungkol sa ating mga nakalipas.
Naalala ko tuloy yung mga panahon na pinagtatawanan nila ako dahil sabi ko balang araw magbabayad tayo para sa tubig, kahit nung mga panahon na yun ay libre ang pag-gamit at pag-inom ng tubig.
Nung umakyat ako sa bundok last week, yun ang na-experience ko. Natuwa ako dahil libre ang tubig. Lumakad lang kami ng malayo at huminto sa isang tindahan. Nagtanong kami kung may tinitinda silang tubig. Sabi ng ale; "Iho, libre ang tubig akin na ang lalagyan mo at punuin natin".
Nakakatuwang malaman na mayrron pang lugar sa mundo na libre ang tubig at hindi alam ang salitang Wi-Fi.
Nakakalungkot isipin na sa ating mundong ginagalawan ngayon, minsan mas necessity pa ang internet kaysa sa tubig.
Na mas nabubuhay ang tao tuwing sya ay nakatingin lang sa screen, kumpara sa pagtitig sa magagandang tanawin at maexperience ang mga kakaibang bagay.
Na mas natutuwa silang magpost at makakuha ng maraming likes kaysa makipag kwentuhan at palitan ng mga experience.
Na mas may dating ang pagpicture sa pagkain kaysa sa actual na pagluluto at pagkain dito.
hay. Ang modernong panahon nga naman.
Hayaan mo, sa susunod na henerasyon hindi na natin kailangan pang magbayad para magkaroon ng internet.
Kabaligtaran ang mangyayari.
Magbabayad tayo para mawala sa internet.
Hindi na tayo magbabayad para sa internet cafe.
Magbabayad tayo para sa isang lugar na imposibleng pasukin ng wi-fi o anumang interaksyon ng internet.
Sige tawa ulit.
Nakakabagabag na malamang may mga sumubok nang magbenta ng sariwang hangin at may bumili na nito.
Libre yun dati diba?
Malay mo, hindi na din libreng mangarap, ngumiti, magmahal at umutot.
No comments:
Post a Comment