Monday, June 27, 2011

PAG-IBIG AY PARANG BASKETBALL DAW???



Sabi nga nila ang pag-ibig daw ay parang basketball, kailangan mong agawin ang gusto mo para manalo ka. Yan ang sabi nila..
pero hindi lang basta ganyan yan.
May iba ibang pwede na interpretasyon dito.
Tulad ng basketball, iba iba ang mga uri ng manlalaro na nandito. Nandito sila point guard, shooting guard, small forward, power forward, center, 6th man, bench warmer, water boy at kung sino sino pa. At ang taong mahal mo ay ang bola..... at ang coach ay ang mga lihim na mensahe na gustong iparating sayo ng taong gusto mo.
Kung iisaisahin ko sila, ganito ang mga ginagawa nila:
1.       Point guard – sila ang pinaka sikat, sa kanila applicable ang kasabihan tungkol sa pang-aagaw dahil sila ang mahilig umeksena at mang-agaw ng karelasyon. Oo aaminin ko inis ako sa posisyon na to dahil hindi ako mahilig mang-agaw ng bola at hindi ako magaling magdribble. Speaking of dribble, sila ang magaling mandribble ng relasyon. Kaya nilang magsabay ng tatlong girlfriend ng hindi nahuhuli. Sila ay MAGALING MAMBOLA.
 

2.       Shooting Guard – although applicable din sa kanila ang kasabihan tungjol sa pang-aagaw, nararapat lang na ibahin ang depenisyon sa kanila. Hindi nila main objective ang umeksena sa relasyon ng iba pero tulad nila james yap, chris tiu at kung sino sino pang basketball player, hindi na nila kailangan yun dahil ang atensyon ang kusang lumalapit sa kanila. Kung baga, ang bola ang lumalapit sa kanila... sila na ang bahala kung aagawin nila ito pero kapag nakuha na nila siguradong titira na sila ng 3 points.... pagtapos nun tatakbo ulit at mag-aabang ng susunod na bolang dadating at ititira ito. Oo galit din ako sa shooting guard kase hindi nila nararanasan ang paghihirap ng center at power forward na sumasalo ng mga kamalian nila (at hindi ako naging shooting guard). SILA ANG MASUSWERTENG TIPO NG TAO. Sila ang mga pinanganak na MAYAMAN o GWAPO.
3.       Small Forward – eto ang isa sa pinaka paborito kong kakampi sa basketball. Sila ang mga uri ng tao na may kakayahan na maging Shooting Guard pero nagsusumikap sa ibaba ng court kung nasaan ang aksyon kasama ang Power Forward at Center. Nabiyayaan sila ng height, speed,looks at konting accuracy sa shooting. Sila ang balanced na player. Kung sa pag-ibig sila ang gugustuhing makasama ng mga babae dahil medyo harmless daw. Pero lagi silang nasisingitan ng mga point guard dahil nga agaw pansin lagi ang point guard. SILA ANG PABORITONG AGAWAN NG BOLA NG MGA POINT GUARD dahil hindi ganun kalaki ang height difference at medyo mabagal sila kumpara sa point guard. hindi sila masyadong mahilig magdribble ng relasyon.

4.       Power Forward – eto ang bespren ng Center at backup ng Small forward.  Sila ang mga tipong hindi umaatras. Sa relasyon hindi din sila umaatras, hindi sila sumusuko kahit ilang beses mabasted. Perpek example si Idol sakuragi.  Lagi silang napapagbintangan na basagulero at lokoloko pero sila ay tunay na maginoo. Ilag din sa kanila ang point guard at shooting guard dahil isang maling galaw lang nila ay maari silang masaktan(hard foul) o ma shotblock.
5.       Center – center... ang pundasyon ng team. Ang pinakamatangkad na myembro sa team. Lahat ay tinitingala sya lahat at nirerespeto ang angkin nyang lakas.  At dahil dun, nahihirapan syang makahanap ng mamahalin nya. Naiintimidate ang mga babae sa height nya at namimis interpret ang lakas nya, iniisip nilang ito lang ay purong karahasan.  Ang mga sentro ang experto sa pag-ba-boxout at rebound. Sa pag-ibig ganun din ang nakasanayan nilang gawin. Hindi sila mahilig mang-agaw ng karelasyon, silay naghihintay ng pagkakataon sa rebound at itinataas nya ito upang hindi na maagaw pa. At dahil sa height nya, nakikita nya ang lahat at pinoprotektahan nya ang taong gusto nya mula sa mga nagtatangka. Kadalasan siyang MOST DEFENSIVE PLAYER. At best REBOUNDER... pag nakuha na ang bola, dapat derecho DUNK na.

6.       Bench warmer at mga Team Jokers– sila ang sobrang daming free time. wala silang pakialam kung ano ang nangyaayri sa paligid nila. Basta masaya na silang involved sila sa buhay ng mga tao sa paligid nila. Sila ay may maraming natatagong sikreto. Ang iba sa kanila ay may natatagong potensyal pero tinatamad lang.

7.       Water Boy – sila ang pinaka thoughtful na member ng basketball. Kaibigan sila ng lahat. Minsan nabu-bully na sila sa sobrang kabaitan. Sa pag-ibig ay medyo kawawa din. Sila ang kadalasang nagiging ALIPIN NG PAG-IBIG.

8.       MVP- ang mvp quality ay materyales pwertes. Iniidolo, kaibigan, crush ng lahat. Nasa kanila na lahat per kasabay nun ay may nakabigat kang responsibilidad. Maraming naiinggit at nagagalit sayo, ikaw ang target ng mga hard foul hitters , at maraming nakatingin na mata at kamaong nanggigigil kapag mag babae kang nasaktan.

Basta ganito nalang... kung ano ka man sa mga nabanggit, alamin mo kung ano ang lamang mo sa kanila... dahil sa basketball... ANG MAY MAS MATAAS NA POINTS ANG NANANALO... at eto pa:   
Isa sa mga rule ng basketball:  sundin ang coach, kung sa pag-ibig: kailangan mong sundin ang gusto ng taong trip mo. Kailangan mong intindihin ang gusto nilang sabihin... kailangan mong makiramdam, HINDI DAPAT PATANGA-TANGA.
-          HINDI LANG TUNGKOL SA PANG-AAGAW ANG COMPARISON NG PAG-IBIG  AT BASKETBALL-


2 comments:

  1. Meron akong natutunan sa mga position sa basketball, pero naguguluhan ako sa comparison mo!
    Kudos na din sa muling pagbuhay sa Kanto. Sana masundan pa ito.

    ReplyDelete