Tuesday, February 8, 2011

mukhang tulog? o mukhang tanga?

Maraming dahilan kung bakit nakakatulog ang isang tao sa byahe... at kung gaano kadami ang dahilan nito... doble nun ang dahil upang magmukhang tanga ang isang tao habang nasa byahe.

Bakit tungkol sa mukhang tanga at mga tulog ang kwento ko? simple lang.... dahil sila ang mga madalas na target ng mga holdaper.

tama kayo! holdaper! .... kahit ipa spell mo pa sakin ang salitang holdaper ay alam ko na spelling nun ay letter G-A-G-O.

ang mga taong ito ay hindi basta basta... sila ay may pambihirang kakayahan...may matatalas na pakiramdam, mga paang sing bilis ng cheetah sa oras na sila ay nabisto, matatalas na paningin upang mapansin ang nakabukol na cellphone, wallet, laptop, LPG, Diploma at kung ano ano pang gamit sa bag mo, mayroon din silang magagaan na kamay upang hindi maramdaman ng kanilang pinupunterya at ang pinaka importante sa lahat..... makakapal ang mukha nila!!

may bonus pa silang ability na makaramdam ng taong tatanga-tanga upang gawing primary target.. sabi nga nila, it takes one to know one.

minsan din sila ay nagkakaroon ng mga kaibigan, Hindi ito tulad ng anime na ang masasamang tao at kontrabida ay walang kaibigan.... dahil sa mga mata din ng mga holdaper, ikaw naman ang kontrabida... at ang pulis ang mga GM.

Tama kayo sa inyong hinala... naexperience ko to... yun nga lang (buti nalang) naagapan ko.
Hindi ko din alam kung saan ko icacategorize ang sarili ko, kung sa mga tatanga-tanga ba? o sa mga taong tulog kung bakit ako napiling target ng mga holdaper na to..

eto.. ikekwento ko na...

dahil sa sobrang pagod, nagdesisyon na kong umuwi kahit 1am na... galing sa video editting kaya bugbog ang utak.... at ayun... nagdesisyon na akong dumerecho sa hobby ko... ang matulog sa bus.

Sumakay ako sa Robinsons galleria ng byaheng fairview.. di ko na matandaan yung pangalan ng bus basta sigurado ako na walang "gift of god", "katas ng saudi" ", o ël shadai" na karatula sa taas yun... kung meron... siguro basag na ko kase jeep yun.... pag sakay ko, nagbayad na agad ako sa konduktor at kasabay ng pagabot ng sukli, pumikit na ko at isinandal ang ulo ko sa bintana.



Habang bumabyahe, papuntang cubao, bigla nalang may naramdaman akong tumabi sa akin.... dun nga pala ako nakaupo sa pangwalong row na may pangdalawahan na upuan... nung una di ko pinansin at medyo nakikiramdam ako habang nakapikit... lingid sa kaalaman ng katabi ko na sensitibo ako pagtulog sa byahe... agad akong nagigising kapag may tumatabi na sakin.... instinct ko na rin na makaramdam ng panganib... at syempre mag-attract ng panganib.






aba akalain mo na sinisiksik ako nung katabi ko...  medyo pinabayaan ko muna kase di ko pa nakikita ang itsura nya... at medyo napikon na ko at dumilat... nakita ko ang isang nakakainis na mukha ng isang lalake... medyo malaki ang katawan na parang built ng construction worker... at pang cosntruction worker din ang porma....

kadalasan sa pag-gising ko ay namumula ang mata ko, nanlilisik at derecho ang tingin... natatakot minsan ang nakakatsempo ng ganito sakin... pero ibang usapan ang nangyari sa bus dahil sinabayan nya ang mga mata ko.... kasabay nito ay bigla nalang na-activate ang aking "state awareness" nakita ko sa kabilang upuan na may dalawa syang kasama at napansin ko na rin na may tumayo ay naglalakad papalapit sa upuan sa harap ko.... kaunti din lang ang sakay ng bus... at nasa cubao na pala ako...

pumorma ang katabi ko na katulad ng porma ko... nasa harapan ang bag at ang kaliwang kamay ay nakatago sa likod nito na pormang may huhugutin... nakaharang din ang kanya tuhod sa upuan... parang gusto nya kong kulungin sa pagkakaupo ko...

mga kasama nya ay nagiingay na din na parang gumagawa ng distraction .... at bigla nalang akong nakaisip ng isang paraan... kusang kumilos ang katawan ko.... inilagay ko sa kaliwang tagiliran ko ang aking bag... sumigaw ako sa konduktor na ""victory liner lang!!" (kahit hanggang fairview ang binayaran ko) at pilit kong tinabig ang tuhod nung manong... tinigasan nya tuhod nya na parang may pinaplano... at ipinilit ko nalang na makaalpas.... at nagmadali sa gitna ng bus ... para hindi na makareact yung mga kasama nya... habang ginagawa ko ito ay sinusundan ako ng masamang tingin nung hayop na manong... at nung malapit na ako sa pintuan, kusa nalang kumilos ang katawan ko, lumingon pabalik sa kanila, bumukas ang bibig at nagbitaw ng malutong na mura, "ta#$ $#% mo!" sabay bumaba..... ang manong ay sumasabay ng kanta sa radyo... siguro para hindi magbisto na may binabalak sya kanina....





siguro tinatanong nyo din kung ano mangyayari kung sinundan  ako nung mga yun? at kung bakit ako bumaba sa bus. eto ang dahilan ko:

- mas delikado ka sa loob ng bus... hindi ka makakalaban.. hindi ka makakapalag kapag napaplibutan ka sa loob ng bus...
- mas malawak ang matatkbuhan, magagalawan mo kapag nasa kalsada ka.
- mas madaling makaiwas sa kutsilyo sa kalsada
- mas maraming pwedeng magamit for self defense sa kalsada
- at mas maraming tao.

nakaligtas ako sa pangyayari na iyon.... pero may mga katanungan pa din na hindi ko nasagot... mukha ba kong tatanga tanga? o mukha talaga akong mahimbing na natutulog? ... mukha ba kong mayaman? o mukhang mahina?

basta ang sinabi ko nalang sa sarili ko, minura ko sila dahil holdaper sila... kung nagkamali man ako sa hinala ko OK lang kase napaka gago ng ugali nila para mang-gitgit ng tulog na pasahero kahit maraming bakante, gago siya upang makipagtitigan ng masama sa taong tulog na nagising nya.....at napakaingay nila kapag may tulog na nagigising.



-walang kinalaman ang drawing ko na ito sa galit ko nang muntik na ko maholdap...
- yang picture ko nung tulog ay kinunan nila jodie habang tulog ako sa sofa sa pantry .. hindi yan sa bus
- pinatunayan ni maykel musngi na gwapo daw ako

No comments:

Post a Comment