Wednesday, December 1, 2010

Bababa ba? bababa? bababa!!!

Nobyembre nun..... isang napakadilim na umaga.... sinimulan ng black out kagabi. hanggang ngayon wala pa ring ilaw.

Nakapaglakad ako papunta sa kanto namin matapos ang ilang itim na pusa, paniki sa puno ng alatiri(aratilis... basta) at ilang madaling araw ang shift na lasenggo. At sumakay na ako ng jeep para pumasok sa eskwelahan. Tama kayo... estudyante ako nung nangyari ang kwentong ito.

bumaba ako sa jeepney after ilang traffic light na may mga halimaw na naka kulay yellow, pagtapos ng maraming nagjajogging sa umaga na may daladalang cellphone at mga humahabol sa likod nya. Nasa Munoz na ako ngayon at naghanap ng masasakyang jeep ng project 8. nakaupo na ko at napapikit hindi ako napapikit dahil nobyembre ngayon at takot ako sa multo, hindi din dahil nagmemeditate ako para bumukas ang 3rd eye ko.... napapikit ako dahil inaantok ako sa lamay.

Panahon kasi ng paglalamay ang buwan ng nobyembre. Dito nagagahol ang mga estudyante para sa kanilang notes na chinechekan ng mga prof, mga tulang kailangan ipasa, programming codes, mga take home quiz at mga gaol na review session para pumasa sa major exams.

Ayun, napapikit nga ako... at nanlamig ang pakiramdam.... nakarinig ng kaluskos at kinabahan. Naalala ko, normal lang na may kaluskos dahil nakasakay ako sa jeep na naghihintay ng pasahero. Dumilat ako kahit labag sa loob ng inaantok kong katawan. Pagdilat ko ay nakita ko sa aking harapan ay isang matandang babae, matandang lalake at sa tabi ko ay ilang mga tao..... AT LAHAT SILA NAKATINGIN SA AKIN!!

.... WALANG IMIK....
... WALANG HINIHINGING BAYAD.....
.... WALANG EMOSYON.....

ganyan sila ng mga ilang segundo. Inisip ko talaga na multo sila o binabangungot ako. mukha talagang eksena sa isang horror film. kumpleto sa nakakatakot na mga taong ngayon ko lang nakita.

Umihip ang malamig na hangin at biglang may nagsalita

Matandang babae:  Hindi ka na dapat pumarito~ (sa halatang nanghihinang tono ng boses)
Ako: ~~~ * katahimikan*

Matandang babae: Hindi ka dapat nandito~~
sa Isip ko:  * bakit ganyan sila magsalita sakin? sino ba sila? at bakit sila nakatingin sa akin?*

Matandang Lalake: Iho, aandar na ang jeep, inarkila namin ito... lumipat ka nalang..... pasensya na..
 (nanginginig din ang tono)

Mixed ang pakiramdam ko, magkahalong takot, pagod, antok, pagkabahala at natatae...

natakot ako dahil baka pagtulungan nila akong tawanan dahil sa katangahan ko..... tatawanan nila ako, at hindi ako makakaganti dahil sasabihin nilang korni ako, pagod ako dahil nakakapagod mag-isip ng 30 bagay ng sabay sabay.... at natatae na ako sa sobrang pagkainip....

sumakay na ako sa panibagong jeep at nagpatuloy ang buhay..... hanggang naabot ko na ang aking kinalalagyan dito sa opisina namin ngayon...

1 comment: