Wednesday, January 5, 2011

Bumibilis ang tibok ng puso ko.. Love na ba to?

Ganito ang nangyari nun...
Excited ako sa bago ko ng ps3 kaya naglaro ako ng White Knight Chronicles pagdating ko sa bahay... at sabi ko sa sarili ko maglalaro lang ako ng kahit 2 hours... ok start ako ng 8 am... pero as usual.. tulad ng mga bata sa computer shop na sumisigaw ng “Abnormalities na kakampi  yan! Ang bobo!” 

 .. nag extend ako ng oras..... dumating yung bantay ng computer shop.. este nanay ko pala, at sinigawan ako na matulog na ko... sabi ko sa kanya ... “ teka lang...save ko nalang ma” .... peste na yan 4 pm na gising pa ko... masama pa nyan, naka “deathgrip pa ako sa controller ko” ..







.... senyales lang ito na nagiinit pa lang ako sa paglalaro.... pero naisip ko ang mundo  ng mga matatandang amerikano na naghihintay sakin (na nangangailangan ng tulong sa virus problem, internet connection problem, computer crash problem at attitude problem.) kaya ayun... pinatay ko na ng ps3 ko.... kasabay din nito ang pagkamatay ng character ko... hanep!


Sabi ko matutulog na dapat ako.... ang problema, hindi ako makatulog... bakit? Kase nakabukas ang tv... sino ba naman ang makakatulog sa malalakas na kalampag ng mga suntok ni takamura at bryan hawk ng KNOCK OUT?  Buti naman natapos na ang palabas... btw.. tinapos ito ng patalastas ng wow ulam... mukhang tanga.... XD


Ayus, makakatulog na ko!! I LIED!!! –sabi nga naman ni gloria...
Dumating ang ate ko galing palengke, guess what..... nakasalubong daw sya ng pirata na di nakasakay sa barko, hindi daw ito si jack sparrow... pero binentahan sya ng dvd.... Knock out na DVD.... PUNYETA~~
.. ang hindi tinapos ng tv, ay tatapusin ng dvd.... pumikit ka nga lang dahil sa sablay na subtitles... buti nalang tungkol sa sapakan ang KO kaya OK lang... :D
... tuloy ang ligaya!! Hahaha di na ko nakatulog... kahit yung pinapanood ko ay napatulog na sa suntok... yung isa nga muntik nang mamatay eh.... hindi ko alam na maya maya lang ay mangyayari din sakin yun... ang muntik nang mamatay.
8 o’clock .... hindi ito brand ng juice.. pero yan ang ininom ko para maghandang pumasok sa trabaho... 12 kasi ang pasok ko... kung kokomputin mo ang oras ng byahe, oras ng trapik, i-minus mo pa kapag natatae yung driver at mablis sya magpatakbo plus mo naman kung may nakaharang na bus sa ortigas ilalim dahil umiihi ang driver nito, dapat umalis na ako sa bahay para dumating ako ng 10 pm... at yung 2 hours na yun ang itutulog ko sa pantry (na may Ps3 din .. nakakatempt lalo ituloy ang laro).
At ayun.. naglakad ako palabas ng village ng papikit.... to conserve energy nga para ready to sleep sa jeep (wow may rhyme!)

 ... at common strategy na ang pag sandal sa poste pag pagod ka o inaantok habang nagaantay ng jeep... trust me effective yan since college... at medyo dumilat ako dahil naramdaman ko na may mga tao sa tabi ko... yun pala nagaabang din ng jeep....akala ko talaga holdaper... wow ibig sabihin mas pangit sila sakin! First time na nangyari yun ah! ... ok continuation ng kwento... napapikit ulit ako ... hinihintay lang ng tenga ko ang tunog ng makina ng jeep... pero puro trycicle ang naririnig ko... (sanayan lang yan para maramdaman mo kung ano ang dumadaan na sasakyan)...at may dumaan na jeep... hindi sya byaheng litex... ok cge pinalampas na namin.... maya mayang konti ay may narinig akong makina ng truck... medyo napadilat ako.. at kasabay nun ay nakarinig ako ng katulad ng kaluskos ng mga wire na nababatak...  diba sabi nga nila kapag  kasama
mo ang taong mahal mo ay bumibilis ang oras pati tibok ng puso mo?


 .. iba ang kaso kapag nakita mo ang sarili mo na nasa panganib..... eto ang automatic settings ng katawan ko nung panahon na iyon:

1.       Bumilis ang tibok ng puso ko – adrenalin rush ang resulta
2.       Bumagal ang buong paligid at lumalakas ang pakiramdam mo– makikita mo ang lahat ng posible mong daanan sa panahon ng panganib.
3.       Biglang lumalakas ang at nagiging flexible ang muscles mo – resulta ay para kang isang gymnast.
4.       Nawawala ang ability ng utak mo upang magdesisyon ng mabagal.
So ganito ang nangyari:
Narinig ko yung tunog ng wires, biglang na-activate ang survival mode ng katawan ko, wala pang isang segundo tumalon ako papalayo sa poste na sinasandalan ko, wala pang isang segundo upang isipin ko na umiwas papunta sa kaliwa kung sakaling may kuryente ang mga wire na naputol, at kitang kita ng mata ko ang lahat ng dadaanan ko upang tumawid sa kalsada habang hindi nasasabasaan ng mga tricycle ng walang hinto.

 Tapos ayun... after 3 seconds siguro, isang malakas na kalampag ng isang malaking metal plate na pinagkakabitan ng mga wire sa poste. Bumagsak sya sa sinasandalan kong poste. Yung wires naman ay ayun, sa kabutihang palad walang kuryente... pero kinaladkad sya nung truck. Pano ko nalaman na kinaladkad sya ng truck? Pano ba naman kase yung isa pala sa mga naiwasan ko na sasakyan ay byaheng litex pala ... kaya imbis na ipagluksa ko ang muntik ko nang kamatayan, sumakay nalang agad ako kaysa ipagluksa ko ang pagiging late. On the way papuntang litex inabutan pa namin yung truck , na kinakaladkad nya yung mga makakapal na wire... parang christmas lights... hahahaha.... yung truck pala na iyon ay paarang yung sinasakyan ng mga nambubutas ng kalsada. At ayun... patuloy ang buhay, nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo, na hindi hihinto kahit na tumigil na sa paghinga ang isang katulad ko. Pero sabi nila posible naman na umikot ang mundo mo sa iisang tao.... kung nangyari yun, mayaman ka na... kase nakakabili ka na ng sarili mong mundo..... korni ano? Ganun talaga... wala akong pake...basta ako hindi nakatulog buong shift!
Moral Lesson 1:
hindi lahat ng pangit ay holdaper.
Moral Lesson 2:
If there is a sudden feeling, Don't think, thinking sucks! making a quick move always saves your life
Moral lesson 3:
Hindi mo kelangan ng kape para magising ka bigla.

4 comments:

  1. Moral lesson number 4: Matulog ng sapat.. 6-8 hours dude.. :)

    ReplyDelete
  2. huwow.. tlgang si mapanuri ang unang nagcomment huh.. gusto ko ung moral lesson 2 mo huh masabi nga kay chadido yan.. If there is a sudden feeling, Don't think, making a quick move always saves your life..

    parang cebupac lang yan.. hindi na pinagiisipan ang piso fare.. kilos kagad.. ayieeee.. mapanuri excited na me.. kht nde sya piso fare..

    ReplyDelete
  3. Moral lesson 3: makinig sa nanay.

    ReplyDelete
  4. hahaha. nice... alert alert, iskemberlu at iskempertush... Nakaligtas ka sa kapahamakan.

    ReplyDelete