Monday, November 29, 2010

Sinong tumakbo?? hindi ako duwag ha!!!

Minsan sa bawat kanto, ordinaryong eksena na ang may tumatakbo.

May tumatakbo upang humabol ng jeep, may humahabol ng bus, humahabol ng tricycle, humahabol ng snatcher, humahabol ng artista. Pero ang lahat sa kanila humahabol sa kanya kanya nilang pangarap.

Iba iba man ang uri ng kanilang pagtakbo, iba-iba man ang paraan ng kanilang pagtakbo, nakakasama man ang kanilang pag-takbo, kahit tumatakbo sila sa mabuting paraan. Lahat sila ay may pagkakaparehas.

Ang iba ay tumatakbo upang habulin ang BUS dahil malelate sila sa kanilang trabaho, Ok lang yan kase pangarap nila na magkaroon ng perfect attendance. Ang iba ay tumatakbo upang magnakaw, Ok yan para sa kanya dahil pangarap nyang mabuhay para sa araw na iyon. Ang iba ay tumatakbo upang habulin ang tumatakbong snatcher, Ayus yan kase pangarap nya na makahuli ng kriminal - pulis kasi sya. Ang ibang tumatakbo ay para habulin ang artista, medyo acceptable naman yan... hindi kase masama mangarap mag-asawa ng artista. Marami din sa atin ang tumatakbo... sa kanya kanyang utang.....

Naalala ko bigla, pati pulitiko pala ay tumatakbo. tumatakbo sila para mabigyan pagkakataon na baguhin ang ating bayan. tumatakbo sila upang baguhin ang paniniwala ng kababayan. tumatakbo para magkaroon ng mas maraming pera. pero kahit na sila ay tumatakbo... hindi pa rin nila maiiwasan na "magpalakad".... napaka ironic nun na kailangan pa nilang magpalakad para makatakbo lang.

Ikaw? para kanino ka tumatakbo?
Bakit ka tumatakbo?
Ano ang pangarap na pilit mong hinahabol?
Kailan ka hihingalin sa kakahabol sa pangarap mong gusto maabot?
Sasabihin mo ba na suko ka na at ititigil mo na ang pagtakbo?

yan ang mga tanong ko.... ito ay tungkol sa buhay na punong puno ng pagtakbo.... hindi mahalag kung maaga kang matapos... kung ikaw ang pinaka mabilis matapos.... ang mahalaga ay kung paano mo tinapos ang iyong pagtakbo...at hindi ka sumuko para matapos ito...


OK ETO TALAGA ANG KWENTO NG PAGTAKBO KO:

hahahaha

sumali ako sa KaRunungan .... ito ay isang fun run.... napakahalaga nitong fun run na ito para sa akin dahil literal na gusto kong tumakbo at habuling ang mga karunungan na pilit lumalayo sa akin.

11/28/2010 - 5 am, pumunta ako sa office namin para maghanda para sa pagtakbo...guess what, atat ako kaya 1 am palang sa office na ko natulog. per ayun nga. kung ang mga beterano na sa pagtakbo ay isang linggong nagpapakondisyon sa pagtakbo, ako ay walang paghahanda!! hahahaha.
Ang tanging sandata ko ay ang aking determinasyon na hindi mahuli sa pagtakbo, sapatos na hiniram ko sa tatay ko nung gabi, bonnet na proteksyon sa pagkapanot, body weights, isang masikip na singlet at mas masikip na under shirt para maitago ang katabaan.

Kasama ko ang aking mga katrabaho, pumunta na kami sa venue at humarap sa stage para sa warm up.
sobrang tindi ng warm up dahil kay rachel lobanco na literal na nagpainit sa kanyang fire dance. at sobrang ganda ng kanyang background music!!! grabe mga tipo ko ng music ay ang parang ancient ceremonial sound + house music!! hanggang excercise ganyan ang tunog!.....


Alam nyo naman kung ano ang tapilok ano? hulaan nyo kung saan ako natapilok.....
hindi ako natapilok sa pagtakbo.
hindi din sa pagtawid sa kalsada.
at lalong hindi sa pagtalon ng 7 ft sa overpass.
natapilok ako sa warm-up excercise.... ang masaklap dun eh natapilok ako hindi sa gumagalaw na excercise... natapilok ako sa stretching.

well, the show must go on...  sinimulan na ang takbo... tumakbo kami from meralco(ortigas) then papunta sa fly over sa tabi ng metrowalk.... grabe... dahil may babae sa harapan ko, hindi ko nararamdaman ang pagod. nasabayan ko naman sya kahit paakyat at pababa dun sa overpass, take note na sobrang bilis nya tumakbo. at nabigla ang katawan ko... kaya bumagal na ko all the way papuntang st. paul. then pababa ang daan dun, katulad ng daanan sa Mt. Akina..... kung sasakyan nga ako pwede na ko mag-drift dun eh... kaso tao ako eh!! tulad ng sasakyan tumitirik din ako pag paakyat na!! tila 50 degress na inclination yun... at sobrang apektado ang takbo ko..... then bandang huli... nakaabot din sa finish line after:

20 cheers from random na magagandang chick sa roadside
22 shots from random photographers
4 na pocari sweat at 2 basong tubig na sponsored nila
5 instance ng mmda na pinapahinto ang mga sasakyan
6 na katrabaho ko na nilampasan ko
ilang hundred na magagandang chick na hinahabol ko, hinahabol ako, at sinasabayan ko.
5km na takbo

natapos ang karera at hindi ko alam kung pang ilang hundred(or thousands) ang place ko.

Fun run ito para sa kalikasan at sa pag-aaral ng ilang kabataan.

Ito ay nakakatulong sa kalikasan dahil sa mga sumusunod:
maraming naglalabas ng carbon dioxide - nakakatulong sa mga puno
nababawasan nito ang matataba sa mundo
naeencourage ang mga tao na maglakad papasok sa trabaho
nakakarelax sa katawan ang sexyng katawan na makikita mo... lalo na kay rachel lobanco

Eto naman ang negative side:
may mga natatapon na tubig sa daanan
may natatapon na basura sa daan
may usok ang fire dance(masama sa OZONE)

No comments:

Post a Comment