Dito Nagsimula ang lahat.... Isang taong tamad... pumasok sa opisina... walang ginagawa kaya nag-isip ng gagawin... at nakapag drawing sya... gamit ang MS-Paint
hindi sa lahat ng oras kailangan masaya ang drawing...
Ganun talaga ang buhay.... kahit madalas kang magpatawa, wala paring nakaka-alam ng tunay na kwento ng buhay mo... at kung tatanungin ka nila kung anong problema, paganahin mo lang ang pagiging sinungaling mo...
naku, kung ang mga balakid sa buhay ay parang kalaban sa video game lang, matagal ko na sana silang ginamitan ng special moves ko:
well pero at least kaya ko namang gawing totoo ang mga characters na hindi nabibigyang pagkakataon na maging bida sa palabas sa TV.... at sila naman ang bida sa Halloween... salamat sa aking pinagtatrabahuhan at natutupad ko ang trip kong to...
Salamat din sa kanila at nakabili na ako ng Digital Pen Tablet ko.... kaya kung may maisip akong kalokohan.. idodrawing ko nalang kaagad....
at ayun.. tuloy ang kwento.... yung lalake ay nagpapalam na kaso sa katangahan nya ay nalaglag sya sa manhole bago pa nya sabihin ang kanyang nararamdaman....
at inakala nila na bigla nalang syang umalis...... at pinilit nyang sabihin ang kanyang nararamdaman ngunit iba na ang napagsabihan nya nito....
ano nga kaya ang magyayari sa kwentong ito? malalaman din kaya natin kung kaninong kagagawan ang pagkahulog nya sa manhole?.... abangan....
ang masasabi ko: ang vandalism ay isang art... tulad ng ito ng pag-ibig ..... may nagpapakatanga para sa pag-ibig, may namamatay para sa pag-ibig.. ngunit pag-ibig pa rin ito kahit paaano mo pa ito pinapalakita o isinasagawa.
No comments:
Post a Comment