~Let the Typo Hunt Begin~
~Gawin mo na ring sport ang paghahanap sa mga typo ko~
~hindi rin po masamang magcomment sa blog na ito~
~hindi rin po masamang magcomment sa blog na ito~
Mark Aurelio Beloy ang pangalan ko.. eto na ang aking nakagisnang pangalan simula nun ako ay bata pa... at kagaya nyo, makailang beses ko na rin sinubukang palitan ang pangalan ko. At sa dami ng beses ko na binalak palitan ang pangalaan ko, ganun din kadaming beses na sinubukang baguhin ng pangalan ko ang aking pagkatao.
Sa palagay ko, lahat naman yata ng tao na dumaan sa pagkabata ay natutong magsulat... at ang unang salita na kanyang kayang isulat ay ang kanyang pangalan. Hindi pangalan ngpresidente ng pilipinas, hindi pangalan mga tauhan sa florante at laura, at lalong hindi currency ng bansa. Mayroong mabilis matuto kung paano magsulat, mayroon din namang mabagal matuto, sinasabi nila na dito mo makikita kung sino ang henyo at kung sino ang mabilis matuto... MALI.
Dumedepende pa rin ito sa iksi o haba ng sumpa na ipinataw sa iyo ng mga magulang mo, depende kung gaano karaming letra, salita, at kung gaano ka komplikado ang pangalan mo nung bininyagan ka.
Naalala ko pa nga nung bata ako kung gaano ako naiinggit sa akin mga kalaro na sa mura edad pa lamang ay halos na master na ang pagsulat sa kanyang pangalan. Patayo, pahiga, kahit nakapikit kayang kaya nyang isulat ang pangalan nya, samantalang ako ay nagpapakahirap isulat ang aking pangalan at gustohin ko mang makagawa ng paraan ay hirap din ako dahil hindi ko pa kaya itong bigkasin ng maayos. Lingid sa kaalaman ko na ang pangalan pala binalak kong ipagpalit sa kalaro ko upang maipagyabang na kaya ko nang isulat ang pangalan ko sa buong klase ay napakaimportante pala, ito pala ang salitang magbibigay sakin ng pagkakakilanlan, ito pala ay may kaakibat na responsibilidad, ito pala ay may mabigat na mundong ipapasan. Salamat nalang kay TIM LEE at hindi nagawang ipagkalulo ang dangal na nilagay ni marcus aurelius sa kanyang pangalan nun siya ay nabubuhay pa.
Salamat nalang at hindi ko natutunang balewalain ang pangalan na magbibigay sa akin ng maraming kaibigan dahil meron kaming something in common, pero may individuality pa rin dahil sa second name na aurelio.
Naitanong ko rin sa sarili ko kung bakit ako may second name? Samantalang mapayapa ang buhay ng kaklase ko at masaya sya sa pangalan nya na ERIC? Wala syang second name pero astig pa din ang tunog ng pangalan nya... may bigat.. may authority... tunog boksingero. Tandang tanda ko pa noon ang automatic na yearly contest ng pagandahan ng name plate twing first day of class. Kung tutuusin kayang kaya nyang talunin ang parol making contest sa sobrang dami ng disensyo nito, hugis, kulay at laki. Syempre hindi papatalo ang aking name plate na halos 3 inches by 8 ang size! Pinuno pa ito ng makulay na art paper at kinoveran ng plastic cover, at sa taas nito ay may pirasong ng matingkad na yarn upang maging sabitan sa leeg. Ako ang bida sa pagkakataong iyon dahil talo ko sila sa haba ng pangalan ko. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan noon tulad ng isang artista, at katulad ng isang artista nakilala nila ako dahil sa porma ko na nung panahon na yun ay mabigat na ang epekto ng name plate. Ngunit tulad ng isang artista din hindi nila ako nakilala sa tunay kong pangalan.... nakilala nila ako sa mukha at binigyan nila ako ng screen name dahil sa hindi nila kayang bigkasin ang buong pangalan ko.
Katanggap tanggap na tawaging biik ang isang bata dahil maliit sya... ngunit hindi ko mahanapan ng hustisya ang pagtawag sa akin na BABOY – beloy baboy.
Wala naman namamatay na bata dahil lamang tinukso sya sa kanyang pangalan, kaya nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo, pag-ikot ng relos at ang pag-ikot ng akin paningin sa makulay na papel habang umiikot ito sa ceiling fan ng aming silid aralan. Totoo ngang walang namamatay na bata dahil sa mahaba nyang pangalan sa eskwelahan, pero nabali ang paniniwala ko nung unang beses kaming pinasagot ng pagsusulit. Halos isumpa ko na ang pangalan ko habang isinusulat ko ito sa kada asul at pulang linya ng aking papel. Sumakit ang aking kamay sa pagsulat ko ngunit hindi pa ko namatay, pakiramdam ko ako ang nagwagi sa labanan namin ng aking unang page ng notebook. Mali ang akala ko... humingi ng rematch ang notebook sa panibagong page at sa pagkakataong iyon, ako naman ang bumagsak. 1....2.....3.....4....5... binibilangan na ako tulad ng isang boksingero na na knockdown kahit nakatayo ako sa bilang na 8, walang referee na nagtanong sa akin kung ok pa ko.... hindi ito boksing.... ang sumunod sa bilang na sampu ay isang malakas na “PASSYOUR PAPERS”. Hindi ko natapos ang mga dapat kong sagutin na exam ngunit ngayon ko lang na naalala na eto pala ang isa sa pinaka busilak na pagkakataon na makakapgexam ang isang tao.... dito walang kopyahan, wlang dayaan, lahat ay nakadepende sa sarili mong pagsisikap at determinasyon..... ang tanging swerte mo lamang ay kung ang mga maglang mo ay iniisip ang kapakanan mo at ipapangalan sa iyo ay BOY CRUZ.
Ang pangalan palang iyon na pinaghihirapan ko dati ay hindi ko dapat pagsawaan. Dahil magkikita kita pa din kami nyan sa dadating na panahon. Nagsimula sa papel at lapis na mataba... hanggang sa papel na may ballpen na nagtatae... hanggang sa microsoft word na naglalagay ng kulay pulang zigzag line sa pangalan ko, TIGNAN MO OH!!!!! . kung tutuusin ay hindi pala natin dapat babuyin ang pangalan natin tulad ng ginagawa ng mga modernong kulto na tinatawag nilang JEJEMON. Tulad mo sa gobyerno... ikaw ay may responsibilidad na dapat gampanan sa iyong pangalan, hindi naman hahayaan ni LAPULAPU na ipangalan mo sa anak mo ang pangalan nya at gawin itong 1@pu1@pu makalipas ang ilang century. Hindi din naman ipapangalan ni nefertifi sa isang paslit ang kanyang pangalan kung papasok ito bilang isang baranggay kagawad na magpapapatay ng maraming tao. Mapalad ka kung ikaw ay pinangalanan na manny ng iyong mga magulang dahil automatic sa panahon ngayon na kaduktong lagi ang pacquiao kapag ikaw ay nagpakilala...oha.. edi may literal na punch line ka kaagad pero kaakibat ng kapangyarihan at authority ng pangalan na binigay sa iyo ay dapat mo itong tumbasan ng pag-iingat. Hindi mo naman siguro gugustuhin na makikita mo na may police record ka na may 10 lalake kang nirape kapag nagfafile ka na ng iyong NBI clearance under the name of CARL NOVALICHES, at tatlo kayong CARL NOVALICHES na apektado dahil sa kagagawan ng isa sa tatlo mong kapangalan. Maswerte ka din kung unique ang pangalan mo tulad ng LEIGHAWN.... pinapatunayan lang nito na gusto ng iyong mga magulang na ikaw ang gumawa ng ikararangal ng iyong pangalan upang manahin ng ibang gagaya ng pangalan mo.... mas mabigat ang responsibilidada nito... kaysa kung ang ipinangalan ng nanay mo sa iyo ay ang natural na spelling ng LEON!
Madalas ko din maisip na dapat ang tanging tanong na sasagutin ng iyong pangalan ay ang tanong na sino ka? ... ngunit sa aking pag-tanda nalaman ko na marami pala ang katanungan na kayang sagutin ng pangalan mo. Kung ikaw ay magpapakilala sa ibang tao, maaring nasasagot mo ang silent question sa isipan nila: SINO BA ANG MAGULANG MO? Ako po si Jinggoy Estrada... oha... diba effective... alam mo agad na ang tatay nya ay si super mario. EXAMPLE PA NG SILENT QUESTIONS? Sige marami akong example:
GAANO KA BA KAYAMAN?? Ako po si BILL GATES ...uuu yeah! Malamang alam na natin na siya ay isang taong grasa na ang pinapampunas ng kanyang sipon ay 100 dollar bill. GAANO KA BA KABILIS TUMAKBO? Ako po si ELMA MUROS... ayun oh.. alam na... sing bilis mo ang pagong na nakasakay sa sasakyan ni BINAY! More questions please!!
ANO NA BA ANG NAGAWA MO? Ako po si TIA TANAKA... dahil sa sagot mo na yan... alam na namin agad kung ano ano na ang nagawa mo... kung ano ang mga trabahong PINASOK mo na... at kung ano ang IBA’T IBANG POSISYON mo sa trabaho. AMY EQUATION BA SA PANGALAN MO? Ako po si ALBERT EINSTEIN..... kaboom... bago mo pa matapos sabihin ang pangalan mo ay automatic na umiikot sa isipan ng mga taong nakapalibot sa iyo ang E=MC2, posible din na nabigkas na nila yan. Sabihin nyo nang gago ako pero totoo yan! Hindi lang isang tanong ang sinasagot ng isang simpleng pangalan hindi ito limitado sa tanong na SINO.
Minsan may maeencounter ka din na mga pangalan na parang automatic na kagalang galang... kahit hindi kagalang galang ang ginagawa... ISAAC NEWTON, ALBERT EINSTEIN, TEODORE ilan lang yan sa mga respetadong pangalan, pero subukan mo itong gamitin sa isang coffee shop sa ortigas... sa STARBUCKS(kahit nga yung pangalan na starbucks ay tunog mayaman na din eh) ikumpara mo... gamitin mo ang pangalang TEODORE ROOSEVELT habang umoorder ka. Maaaring tawagin ka nila at sabihing 1 caffe latte for MR.TEODORE ROOSEVELT, nice! Diba ang astig agad ng tingin sa iyo ng mga tao sa kapihang iyan? .... eto pa subukan mo yung pangalan na SWARLEY... tatawagin nila na 1 caffe latte for SWARLEY.... walang MR. Sa harapan, kase pakiramdam nila na ang pangalan mo ay pang-gaguhan.. sinubukan ko pa ng ilang beses, EVERYONE, EVER, NOGRAPHY... sinubukan ko ang mga pangalan yan upang magkaroon ng isang matindin mapagtatawanan... hinihintay ko na sabihin nila na 1 caffe latte forEVERYONE, forEVER, forNOGRAPHY ngunit ako ay bigo.... batid nila na handa na akong gaguhin sila pabalik kaya binigyan nila ng hustisya at dangal si Mr. EVERYONE Mr. EVER at Mr. Nograhphy.
Ang laki pala talaga ng impact ng pangalan sa pagiging professional ng isang tao. Naalala ko tuloy ang pangalang BATTMAN SUPARMANN ... hindi ako pinatulog dati nun at iniisip ko kung paano sya nakatagal sa trabaho,eskwelahan at tambayan nya dahil sa kalokohan na pilit pinauso ng kanyang ama.
Speaking of credibility naman, may factor din ang nickname ng isang tao sa credibility nya. .. USO NA KASI ITO SA PULITIKA, kahit sa boxing. Alam nyo ba na nickname dati ni pacquiao ay “the destroyer”? napakataas ng credibility nya ... dahil pinanindigan nya na sya ang destroyer dahil sa dami ng kanyang win by KO... pero sa tingin nyo iboboto nyo ba sya kung yun pa rin ang nickname nya habang kumakandidato sya sa congress? Bakit?? Ayaw nyo nun?
Eto ang slogan nya:
IBOTO NYO KO! PAGKATIWALAAN NYO KO! IPAGKATIWALA NYO ANG KINABUKASAN NYO SA DESTROYER NG CONGRESSO, LAHAT TAYO AASENSO.
O ano masaya na ba kayo sa mga nickname nyo? Wala pa yan! May nakita nga akong kumakandidato na “TITI”ang nickname nya para konsehal... ipagkakatiwala mo ba ang boto mo sa isang tao dahil productive daw sya tulad ng kanyang reproductive system? KAMOTE for PNP chairman!! – eto ang iboboto ko dahil ILALABAS NYA LAHAT NG BAHO ng pulisya... pero mahirap seryosohin kase kamote eh... o ano? Sige mamili na kayo ng nickname nyo!!
Hindi pa ko tapos!!
Kung ang katawan ng tao ay may dekorasyon meron ding mga dekorasyon ang mga pangalan.... pwede kang mamili sa mga PHD,IE,COE,MCP,HON.,GEN. At iba pa... pwede kang mamili.. murang mura lang.. pero kaluluwa mo ang ipapambayad mo... maatim mo ba na tawagin kang MD kung balahura ka manggamot? GENERAL ka ba kung marami kang battle scars at experience sa kakatakbo palayo sa battlezone? Maatim mo ba na gamitin ang salitang ENGR. Sa harapan ng pangalan mo kung ang ginagawa mo lang para sa mundo ay magbenta ng gamot na pampapayat at pampaputi sa mga utoutong sumasagot sa telepono?
Akalain mo... halos 22 years ko na palang iniingatan ang pangalan ko.... nung prep muntik na akong mawalan ng mga exam dahil isinulat ko ang astig na apelido sa envelope ko... “DAGONG” hindi ko makakalimutan na kisig na kisig ako sa apelido na dagong dahil kasing tunog ito ng dugong, pero ayaw ko na nyan ngayon dahil binaboy nila itsura nito. Nung elementary ako hinahayaan ko lang na Beloy ang itawag sakin dahil yun ang madaling bigkasin pero nung sinubukang tumawag nung kaklase ko sa amin at hinanap nya si BELOY... hindi nya masabi kung sino dun.... nagmukha syang tanga at hindi na tumawag ulit.nung highschool BELOY na ang tawag sa akin.... kaso gumagana ang karma.... madalas akong mabitag sa mga naguusap dahil akala ko tinatawag nila ako... (ELOIS)ELOY pala... at nabansagan akong isang sawsaw... kahit nung college tinamad ako... MARK BELOY ANG GAMIT KONG PANAGALAN... yun din ang piniprint sa mga transcript ko... nabinggo ako minsan dahil ang ID ko ay MARK AURELIO BELOY ... iba ito sa MARK BELOY kaya pinabago ko na... yun dapat ang ilalagay sa diploma kaso iba ang lumabas... MARK AURELI M. BELOY... isang letra lang... pero malaki ang kaibahan... kung sa mathematical equation nga yan eh siguradong zero ka na... pano pa sa totoong buhay.... at doon ko pinairal ang aking karapatan at ang aking misyon na pangalagaan ang pangalang binigay sa akin ng magulang ko. Gumgraduate ako as MARK AURELIO BELOY at nagkaroon ng trabaho....
pero after almost 3 years, nabago ang pangalan ko....anak ng... kabisado ko ang panglan ng costume ko pati series... “EXECUTIONER” sya yung character ko pero iba ang naging pangalan ko na na-ispam pa sa buong company. Pero na realize ko.... ibang kaso na kapag may ibang pangalan na madadamay.... may sariling dangal ang kanyang pangalan na hindi ko nararapat sirain. Pera lang yan... sinabi naman sakin na may premyo ako at yung maling pangalan. Binalak ko na itaas ang humampas sa lupa kong pride.... pero hindi ko na itinuloy... naisip ko na lahat ng tao ay nagkakamali..... lahat ng tao ay pwedeng magsorry at icorrect ang kanilang mali... kinakailangan ng tapang ng loob upang sabihin na sila ay nagkamali.... lalo na kung buong company ang aaminan mo na ikaw ay nagkamali.
Ayokong bigyan ng pagkakataon na sabihing malakas sila dahil tinaggap nila ang pagkakamali at ituwid ang bumaluktot.
Hindi hihinto ang mundo upang magbigay konsiderasyon sa isang taong natapakan. Sa bandang huli kahit sabihin nyang masakit ang pagka-apak sa kanya, kahit may tumulong man sa kanya o wala... iikot pa rin ang mundo at walang magbabago... pwera nalang sa sarili mong naramdaman na hindi importante sa pagikot ng higanteng mundo.
*ps - kung credibility lang ang paguusapan , talagang naniniwala ako kay TADO kaysa kay vice ganda dahil inaamin nya sa pangalan nya na siya ay TADO samantalang ang pangalang vice ganda naman ay masyadong misleading.
Ang haba naman ng entry mo. over!
ReplyDeleteParang pangalan mo. Ang haba!
ang haba beloy, hahaha. pero binasa ko naman. tsaka ung picture ni tado sumobra, hahaha
ReplyDeletehahahaha ganun ba? napag-alab kasi ni bob ong ang damadamin ko kaninang madaling araw eh.... ano ba dapat ang recommended na haba ng blog entry?
ReplyDeleteSupor TADO ka rin! Beloy! :P
ReplyDeletekaya dapat pangalagaan mo ang pangalan mo.. baka in 5 or 10 years, pag nabanggit ang MARK BELOY.. maririnig mong, " Ah, alam ko na ginagawa nyan.."
fill us in na lang kung ano un.. :) diba?.. :) kudos!
P.S.. wala naman sa haba ng blog entry yan as long as trip mo magsulat.. :)
ReplyDeleteyun nga lang baka tamarin ang mga readers mo magbasa kung may gusto ka ipaabot na mensahe..