Ordinary O Airconditioned? eto ang kadalasang tanong natin dahil sa dami ng bus na makikita natin kung tayo ay nakatayo sa kanto ng tandang sora.
marahil ang iba sa atin ay walang pake kung ano ang sakyan na bus, minsan naman yung ibang pasahero ay natatandaan kung ano ang pagkakaiba ng mga bus na sinasakyan nila. Ako, Personally mas napapansin ko ang presyo ng binabayad ko sa bawat sakay ko, kung worth it ba ang binabayad ko araw araw.Ano ba ang batayan paramalaman mo na worth it ang binabayad mo na pamasahe? eto ang opinyon ko:
1. Syempre dapat nakaupo ka- kahit malayo ang byahe basta nakaupo ka sulit ang binayad mo.
2. Kung makakaranas ka ng thrill sa bawat sakay mo - tulad ng maipit sa traffic habang nanonood ng TATLONG BARAHA, humataw sa bilis na 250 km/hr sa edsa, mabasa ng ulan at mangamoy isda... kapag naranasan mo yan sa byahe mo.. ibigsabihin lang nun panalo ka!
3. Vandalism - nakadepende sa dami ng vandalism na makikita mo sa upuan ng bus kung sulit ang binayad mo.. kagaya nito:
at kung ano ano pang cell number na nakasulat sa mga upuan ng bus.
4. Ticket - mas maraming ticket... mas panalo!
Pero seriously... may nakita akong malaking pagkakaiba nung sumakay ako ng ordinary na bus nung tuesday.(kadalasan kasi tulog ako sa aircon na byahe).
Hindi lang sa bayad, stasyon ng radyo/ tv at dami ng vandalism sa upuan nagkakaiba ang dalawang klase ng bus. ang nagpapaiba dito ay ang uri ng mga tao na makakasalamuha mo at ang mga values na matututunan mo..
Eto ang aking comparison;
1. Mas mayayaman ang mga tao na sumasakay sa Airconditioned na bus:
ang mga taong sumasakay dito ay kadalasang mga alipin ng sarili nilang mundo,
* hinaharangan ng EARPHONES ang kanilang pandinig sa mga kapwa nilang nanghihingi ng tulong.
* ang kanilang mga kamay ay mistulang bilanggo ng Mamahalin nilang cellphone.. ang mga kamay na napipigilan upang akayin ang mga nakatatandang hirap sa paglalakad sa loob ng bus na may malamig na hangin.
* ang kanilang mga pwet ay mistulang Nakadikit sa upuan ng bus.... at mas pinabigat pa ito ng kanilang timbang na pinatindi ng mamahaling quarter pounder na kinakain nila. Ang mga katawan na nakagapos para hindi tumayo kapag may matandang nangangailangan ng mauupuan.
* Mga matang mistulang Bulag sa oakley na shades, mga matang automatic na umiiwas makita ang batang may kapansanan na kalong kalong ng kanyang magulang.
* Mga pang unawa na mistulang naglalakbay sa Mundo ng programa sa TV, Laro sa PSP at kung ano ano pa..... ang mga pang-unawa na maging pasensyoso sa mga taong hirap magkad pababa ng bus.
NGAYON sabihin natin kung sino ang tunay na mayayaman!!
isang araw lang yan... nakita ko ang malaking pagkakaiba ng mga taong nakasabay ko sa dalawang URI ng bus.
Sa pagsakay ko sa ordinaryong bus na may dalawang pintuan, ay nagising ang aking diwa na marami pa palang natitirang kabutihan sa mga pilipino.
mula sa pagsakay ko sa bus ay nakita ko ang mga batang inaakay paakyat sa bus ng mabait na konduktor. sa paglalakbay namin ay sumakay ang isang matabang ale na may dala dalang mabigat na bayong at ito ay tinulungan ng isang pasahero upang iangat sa tabi ng kanyang upuan. puno na ang bus at may isang matanda na nakatayo sa gitna ng bus kasama ng iba pang pasahero... isang binata ang tumayo at nag-alok ng kanyang upuan. at dito ko rin nabatid na may isang mabuting tao na ibinigay ang maginhawang pwesto sa upuan para makaupo ang isang ama na kandong kandong ang anak nyang may kapansanan.
- nakakatuwang isipin talaga na hindi pa pala nawawala sa mga tao ngayon ang pagiging mabuti sa kapwa.
Sana sa susunod kong pagsakay sa bus na airconditioned kapag ako ay matanda na ay wala na ang mga IPOD,TV,CELLPHONE,SHADES na pipigil sa kabutihan ng mga kapwa ko upang tumulong.
Dirty drawings. Lol @ perv lion and bunny!
ReplyDeletehahahhaha Grattiti ang tawag dyan! sikat na sikat yan sa mga bus at pader...
ReplyDelete