Wednesday, November 3, 2010

Sino may pera? Sinong kailangan ng pera?

Sa panahong ito sino nga ba ang makakapagsabi na "hindi ko kailangan ng pera para mabuhay"?

tambay1: "pre may problema ako pwede mo ba akong matulungan?"
tambay2: "Kahit ano pre basta wag lang pera"
(ganito ang karaniwang naririnig natin sa usapang kanto ng tambay)

Bakit ba ganun? sabi ng lola (o, sige kahit ng mga lola nyo) hindi daw ganun kahirap ang buhay dito sa pilipinas nung araw. Ang mga tao daw nun ay nakakabili na ng isang salop na bigas sa halagang piso lang, nakakasakay na sa patok na jeep ang tatay ko sa halagang 2.50 nung panahon nya, nakakakain na ko ng bulilit burger sa halagang 2.50(at naglalakad pauwi) nung elementary ako, AT NAKAKAPAG STARBUCKS sa halagang limang piso! ... o diba kitang kita kung gaano bumaba ang halaga ng pera ngayon?

ano na ba ang mabibili mong pagkain sa piso ngayon? ... ang sagot: MARAMI!
pwede kang makabili ng lechong manok, lumpiang shanghai at vinegar pusit. sa palagay mo busog ka na nyan? malamng hindi...

Saang lugar ka dadalhin ng 2.50 mo ngayon? ... ang sagot: KAHIT SAAN MO GUSTUHIN!
pwede kang makapunta sa malawak na kalangitan, sa alapaap at kahit saang bituin mong naisin.
ang kailangan mo lang ay imagination, tyaga at kalmadong pag-iisip.

yung nga yun! HINDI MO KAILANGAN GUMASTOS sa panahon natin ngayon....
yang mga pinagkakagastusan mo ngayon na hindi mahalaga ay dapat mong isantabi... magsimulang mag-ipon.
dahil sa mga bisyo ng mga tao ngayon kaya tayo nababaon sa utang, at sa patongpatong na utang ng mamamayan sa pilipinas ay baka maging 50 pesos na ang minimum fare sa jeep at 500 ang kape sa star bucks.

Dapat nating mapansin ang pagbaba ng halaga ng pera ng pilipino kaysa pansinin ang pagtaas ng sariling sweldo. simulan nating panoorin kung paano tumaas ang naiipon natin. MAGTIPID, MAGIPON at MAGTIIS.... yan ang ginagawa ko hanggang ngayon kaya ako ay utang-free.

wala kang matututunang magandang aral sa blog ko na ito dahil unang beses ko pa lang gumawa pero eto ang quote na bagay sa entry ko na to:

"money is the root of all evil"
dahil sa pera maraming tao ang nagbabago.... marami ang napapahamak.. marami ang nagkukunwari... marami ang nabubulag.... minsan may mga tao din na umaasa sa mga elemento ng kasamaan....
tulad nito:



"pare meron ka BAM PIRA JAN? Pautang naman" - sabi ng kakilala kong bisaya...

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete