Cross Word ... eto ang isa sa pinaka paboritong libangan ng mga tambay sa kanto... bukod sa paglalaro ng billiards at karakrus, nilalaro daw nila ang cross word dahil nakakataas ito ng moral at nagmumukha sila mas matalino sa kapwa nila tambay. - walang kinalaman ang cross word sa kwento ko ngayon-
Ang tunay na kwento ko ngayon ay tungkol sa CROSSROAD na minsan ay nadadaanan natin sa buhay. yung mga pagkakataon na kailangan mong magdesisyon kung gagawin mo ang isang bagay at hindi ang isa. kung kakaliwa ka ba o kakanan. tatayo o uupo.
Ang buhay ay katulad din ng Mga kantong madadaanan mo sa kanto ng tandang sora, hindi mo maiiwasan ang mga sanga-sanga nitong daanan, upang makapunta ka sa isa sa mga destinasyon mo.
Eto ang Example ko:
Ikaw ay isang masayang binata na madalas matulog sa Bus na bumabyahe papuntang ortigas.... at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay lagi mong nasasakyan ang ES transport. At sa hindi rin maipaliwanag na kadahilanan ay napakadami ng tao at bus ngayon sa EDSA at ikaw ay napaisip:
1. siguro totoo yung sinasabi ng mmda na napakarami nang bus sa pilipinas ngayon.
2. siguro marami na ang may kotse ngayon kaya lintek ang trapik.
3. kasalanan ng gobyerno kung bakit malelate ako ngayon araw.
4. Siguro malelate ako dahil sa global warming.
5. kasama ba ang matinding trapik sa senyales ng end of the world?
6. ano ba ang kasalanan ko sa mundo at bakit ako na stuck sa trapik habang pinapalabas ang "tatlong baraha".
At ayun... pagtapos ng mahabang panahon sa trapik, tsaka mo mapapansin na 7:30 na sa orasan ng bus. Pero hindi ka maniniwala dahil iniisip mo na advanced lang ang relos nila. Patuloy kang naglakad papunta sa footbridge ng ortigas at dito mo makikita ng isa sa mga CROSS ROADS ng buhay mo:
eto ang iyong mga pagpipilian (tandaan na 10 mins na lang at late ka na):
1. Lumiko sa Kaliwa papuntang E-life at maglakad papuntang Opisina (approx 20 mins bago makarating).
2. Lumiko sa Kanan at maghintay ng masasakyan Papuntang Opisina.
Marahil kaparehas ito ng pagdedesisyon sa buhay; kung ikaw ay maghihintay sa isang magandang bagay na mangyari sa iyo O ikaw mismo ang gagawa ng paraan upang may magandang bagay na mangyari. ... pero dapat mo rin timbangin ang maraming bagay bago ka magdesisyon. eto ang ilan sa mga dapat iconsider:
1. trapik- hindi porket nakalampas ka na sa trapik sa edsa ay immune ka na sa trapik ng ortigas, tandaan mo na ang trapik ay isang balakid na habambuhay susubok sa katatagan mo.
2. ulan - kahit sobrang ganda ng sikat ng araw sa umaga pwede pa rin umulan at kapag ikaw ay nadulas dahil sa ulan at nadisgrasya... mas malelate ka.. at kahiyahiya pa.
3. oras - tama! ang oras ay kakampi mo sa ilang pagkakataon.. ngunit ito rin ang magmamanipula ng buhay mo dahil lagi mo itong hahabulin.
4. Kondisyon ng katawan - masama ang lagay mo pag malelate ka na at hindi pa gumagaling ang sprain mo.
Tinimbang ko ang mga pagkakataon... ngunit ako ay nagdesisyon na lumiko sa kanan at hintayin ang aking kapalaran at ilagay ang kinabukasan ko sa kamay o manibela ng driver ng jeep.... natrapik din ng ilang saglit... at naglakad pa din patawid sa meralco... naghintay tumawid kasama ang mga tanga at mahihina ang loob na pedestrian... at sa bandang huli ay nalate din ako...
ang lesson dito:
Hindi mo pwedeng sabihin na ikaw ang may hawak ng tadhana mo... hindi porket ikaw ang nagdedesisyon eh ikaw na ang masusunod... kadalasan ay ang mga tao sa paligid mo ang magiging dahilan kung paano magiging tama o mali ang tinahak mong daan...
* ang pinakamatinding crossroad sa kwentong ito ay ang pedestrian lane kanina... late ako ng 2 mins dahil dun... maihahalintulad ko sya sa real life na life-or-death situation.... kung tatawid agad ako hindi ako malelate pero maaari akong mamatay... kung maghihintay ako... buhay ako late naman!
hahaha, potek, nice nice. sana nagpagawa ka na lan ng flyover drecho ng RBC, hahaha
ReplyDeletegumising ka kasi ng ma-AGAT masipag!
ReplyDeletemga loko kayo!! hahahaha It's Gonna Be LEGENDARY!
ReplyDelete